Chapter 44

4.8K 206 25
                                    


Kakauwi ko lang sa bahay at mukha agad ni mommy ang nakita ko. Nakangiting asong ulol lang. Mom mahal kita pero minsan ang creepy niya din. Sinalubong niya ako ng yakap at kiss sa cheeks.


"How was your trip my unica ija?"


"Mom tell me what did you say to Eve?" I eyed her. Naniningkit na yung mga mata ko pero yung nanay ko patay malisya parin.


"Wala naman bakit may nangyari ba?" Excited pa siya niyan.


"She asked to court me."


"Pumayag ka?"


"Oo nama-" Di ko pa nga natatapos sasabihin ko napatayo na siya at pumalakpak.


"Anak nga kita." Si mommy parang timang.


"Na ano marufok din?"


"Di ako nagsabi niyan. Anyways, I just said some encouraging words para ma push siya. It worked naman diba?" Tinataas baba niya yung kilay niya habang ang lapad ng ngiti.


"How about the house?"


"Oh that was your father's gift for you." Chill niya lang na sagot kaya napataas agad yung kilay ko. Walang sinabi si dad na ganun.


"How? Bakit wala siyang nabanggit?"


"It's supposed to be birthday gift for next bday mo." She smiled softly at hinawakan ang mga kamay ko. Si daddy talaga oh. Even in heaven he still has his ways.


"I see."


"Hmm so musta naman lakad niyo?"


"After namin doon sa bahay pupunta na sana kami sa client kaso last minute kinancel niya. She said yung fiance niya nalang ang imeet namin sa private resort nila." Medyo nakakapagtaka nga kasi nung matanggap ni Eve yung balita parang ineexpect na niya na ganun ang mangyayari.


"Tell me mom did you have something to do with this?"


"What? No." Umiwas lang siya ng tingin at nagsimulang maglakad paalis. Ugh she's a bad liar.


"Mom!!! bumalik ka dito!!"


"No ayokong ispoil okay. So sit back and relax my princess." Nagwink lang siya at kumakantang nagtungo sa kusina. Minsan di ko na talaga maintindihan yung nanay ko. Pero thankful naman ako na supportive siya samin. Bahala na nga magpapanggap nalang ako na wala akong alam na may mangyayari. Bigla nalang tumunog notif ng phone ko. Pagtingin ko kung sino si Eve pala. Di ko nanaman makontrol yung ngiti ko. Kota na talaga ako sa kilig.


"Have a nice rest love."


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon