Chapter 34

5.6K 274 49
                                    

Kakatapos lang ng aming last period nung makita ko si Li nagiintay sa labas ng room. Alam niya kasi sched ko hiningi niya last week same to her alam ko rin sched niya at pareho kami ng out ngayon. Kasama niya si Ash. Minsan ko lang makita sila na wala yung dalawa pa.

"Asan jowa mo Ash? at si Max?" Tanong ko ng makalapit ako.

"May klase pa yung dalawa tapos si Keisha busy din may group project sila." Si Lilith ang sumagot. Hmm kaya naman pala wala yung tatlo.

"Tara sa woods." Aya ni Ash. May napansin akong pagkakaiba sa itsura niya ngayon. Yung dating ash grey tip ng hair niya ngayon buong buhok na talaga.

"Ash hindi ba bawal yan?" Turo ko sa buhok niya. Nagsimula na rin kaming maglakad pababa ng building at as usual nakakapit sa braso ko si Li.

"Nope" Nonchalant niyang sagot.

"Really?"

"Hmm exempted naman ang department namin sa strict hair color." Hmm sabagay.

"You look good on it." Pagkokomplimenta ko. Bagay sa kanya maputi naman kasi si Ash. Ang cool manamit at matangkad pero mas matangkad parin si Max. Nilihi yata sa tower yun.

"Aw thank you Demi." Kumapit siya sa kabila kong braso at tinignan ng nakakalokong tingin si Li.

"Pano ba yan Lili mukhang nagagandahan sakin nililigawan mo." Pangiinis niya kaya tumaas naman ang kilay ng isa.

"Manglilibre ako ng dinner mamaya di ka kasali." Irap niya at hinila ako lalo sa kanya. Agad naman bumitaw sa pagkakahawak si Ash at tumawa.

"Eto naman di mabiro. Sali mo rin ako." Pagpapacute niya. Nilabas lang ni Lilith yung middle finger niya kaya nanlumo yung mukha ni Ash. Yan kasi alam na di dapat inaaway ang dragon. Inalis ko yung kamay ni Li mula sa braso ko. Medyo nagulat siya sa ginawa ko pero di ako nagreact. Nilipat ko lang yung braso ko sa balikat niya at inakbayan siya. Kaya ayun ang lapad ng ngiti kumapit din siya sa may bewang ko. Ang cute talaga nitong nilalang na to. Talo pa namin magjowa sa sobrang clingy.

Hindi naman kami usually ganito. I don't like PDA nga diba pero ngayon gusto ko siyang malapit sakin. Isa pa wala naman masyadong estudyante ngayon kasi oras ng klase. After nung nangyari last last week hindi ko hinahayaan na wala siyang kasama. Mahirap na baka mangyari nanaman yun. Adam stopped coming to school na din hindi ko alam kung bakit pero sana lang matauhan na siya. I honestly feel worried para sa kanya din kasi kahit papaano naging kaibigan ko yun.

"Jusko huwag kayong magharotan sa harap ko." Naunang maglakad samin si Ash kaya nagtawanan kami ni Li.

"Where do you want to go after school?" Tanong niya.

"Hmm siguro magaaral since exam na natin ngayong huwebes." Sagot ko kaya tumango lang siya.

"How about we go for group study? Magaral tayo about history para hindi na mastress yung tatlo." Suggestion niya. Pansin ko lang malaki talaga pinagbago niya pagdating sa Acads. Kung dati hindi siya nageeffort para sa mga minor subs ngayon commited na siya.

"Wow dati pinapasa mo lang sakin lahat ng gagawin ngayon disidido ka na magaral." Nakakatuwa yung pagiging invested niya.

"Dati yun okay ang galing kaya ng magiging girlfriend ko kaya dapat galingan ko rin." Ngiti niya kaya di ko mapigilan maging proud. She's so damn sweet.

"Kailan ka pa naging bolera?"

"Never. Kaya you should believe in my compliments." Nagsmirk siya umoo nalang ako. I mean kailan ba ako makakahindi sa kanya? Weakness ko na yata siya eh.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon