Chapter 31

6K 305 145
                                    


Demi's PoV


I don't know pano ko na pull yung ganung surprise. Keisha helped sa pagreserve nung place pero yung sunflowers? Ewan yun talaga una kong naisip ibigay sa kanya. She does remind me of a sunflower. Everything felt so good. Nagpicnic kami at ang ganda ng tanawin namin kita ang mga kahoy sa baba pati yung dagat. Mas naging masaya pa kasi dumating din sina Ashley and Steph na sobrang kukulit.


It was all happiness and everything until we went home sa bahay nila. Hindi ko ineexpect na dadating si Adam. Di ko alam kung ano ang irereact ko sa pa flowers niya. Pati narin sa galak na ekpresyon ng mommy ni Li. I know she likes him for her. Mukhang botong-boto si tita sa kanya. To think na hindi pa pala alam ng mommy niya na naghiwalay sila. Ayokong makita ang kanilang family reunion kaya mageexcuse na sana ako nung hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.


"No you stay." Papipigil sakin ni Li. Why?


"Uhm why don't you talk with your boyfriend, Lilith?" Sabi ng mommy niya.


"No mom. I'm sorry kung hindi ko man nasabi sa inyo agad pero wala na po kami ni Adam at mahigit dalawang buwan na po." Kalmado niyang pagamin sa mommy niya. Di ko rin alam kung bakit niya to ginagawa.


"What do you mean? Ijo hindi mo sinabi sakin-" Naguguluhan na tinignan siya ni tita. Si Ads ay napayuko pero inangat niya rin agad yung tingin niya pabalik sa mommy ni Li.


"I'm sorry tita. Yes po naghiwalay kami pero I still love her po. Gusto ko sanang hingin yung permiso niyong ligawan siya ulit para mapatawad niya ako." Bakas ang sinsiredad sa kanyang tono ng pananalita.


"Ano bang dahilan at naghiwalay kayong dalawa?" Tumingin si tita sa anak niya.


"He cheated mom. For three months." Bilib na talaga ako sa pagiging honest niya. This is what I mean nung sinabi kong ang genuine niyang tao. Napakunot ang noo ni tita sa nalaman. Muli niyang dinako ang tingin kay Adam.


"Tita I was tempted. Nerealize ko po na hindi ko kayang mawala si Lilith. Please give me a chance to court her again." Medyo umigting yung panga ko sa sinabi niya. The audacity of this man.


"Adam it's not my place to decide kung bibigyan ka pa ng chance dahil hindi ka sakin nagkasala kundi sa anak ko." Now I understood saan galing ang pagiging straight forward ni Li. Nakikita ko na ang resemblance niya sa mommy niya. Mula sa ngiti hanggang sa kanyang pananalita.


"I'll go back to tend sa mga bisita natin. You two talk. Demi ija let's go?" Tatango na sana ako at sasama sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin sa situation na to pero pinigilan siya ni Li.


"Mom she's staying." Matapang niyang sabi sa mommy niya habang nakatingin parin ng masama kay Adam. Napatingin sakin si Tita kaya wala akong nagawa kundi mag kibit balikat. Ayoko din naman maiwan kasama nila. Ang awkward kaya baka may sasabihin pa sila na ikakasakit ng puso ko. Napabuntong hininga si Tita at tuluyan na ngang lumabas. Sa garden nila hineld yung party at nauna na sina Max at Keish doon. Malaki naman kasi ang bahay nila Li mala mansion nadin.


Naiwan kaming tatlo na nakatayo. Walang nagsasalita kaya mas lalong nakakapressure yung paligid.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon