Chapter 19

5K 260 58
                                    

"Good day everyone! Salamat sa pagtulong niyo." Masayang bati samin ni ate Twinkle. Success naman yung first day ng Udays. Wala masyadong aberya kung meron man manageable naman. Lumabas na kami ng office ni Dani. Nagpaalam na din sina Elv na mauuna nang umuwi. Tinignan ko yung phone ko kung may reply. No reply kaya napasimangot ako. Kahit thank you man lang tch. 


'Congratulations Li! I have your video with me papakain ko to sayo mamaya.' yan yung text ko. Hindi naman kasi ako sweet mag message pagdating sa kanya. Ayokong mapaghahalatang may feelings ako no. Oo nga pala nanalo sila kanina. Ang ganda ng sa kanila promise. Neat at clean yung mg execution ng stunts at sayaw. Nakakaproud nga na department namin yun. Gusto ko sana siyang lapitan kanina kaso andun si Adam ayoko naman estorbuhin. After nun naging busy kami sa office kaya hindi na ako nakahanap ng paraan na personal siyang icongrats.


"Oh bakit ganyan mukha mo?" Tanong ng katabi ko. Papunta na kami sa department building namin para tumambay. Maaga pa din naman.


"Wala. Nga pala kamusta kayo ni Adam?" Baling ko sa kanya. Hindi na namin to na open since friday pero I think okay lang naman namin pagusapan. Kahit hindi ako support sa plano niya, I still care. 


"Hindi niya na ako pinansin simula kahapon." Sagot niya. Halatang malungkot siya sa ginawa ni Adam.


"Li told me na okay na sila kahapon." Narinig kong medyo natawa siya.


"Hmm kaya naman pala." Ngumiti lang siya pero hindi abot sa mata. Yung ngiting alam niya na ganun ang mangyayari. 


"You can stop. I won't judge you pero hindi pa naman siguro huli na tumigil ka. After kong makilala si Lilith ng halos isang buwan hindi naman siya ganun ka samang tao Dani. Yung ginagawa niyong dalawa ni Adam makakasakit kayo ng inosenteng tao." I hate it sa tuwing nakikita kong umiiyak yung babaeng yun dahil sa ibang tao. Adam should do a better job on taking care of her. Kung pwede lang gagawin ko lahat di lang yun magdrama kaso hindi naman kasi ako enough para pasayahin siya. 


"Alam ko naman. Kaya as long as hindi ako tinataboy ni Adam magiintay ako. Di ako kikilos pero hindi ako lalayo. Hanggang kailangan niya ako sorry pero hindi ko magagawang iwan siya." Somehow ineexpect ko na yung sagot na yun galing sa kanya. Hindi naman masamang tao si Dani pero yung uri ng pagmamahal niya ngayon, yun yung mali. Naiintindihan ko din siya.


"Okay fine. Still sinasabi ko na sayo na hindi ko supportado tung ganito Dani. Magiging masama akong kaibigan kung susuportahan kita sa maling gawain na yan. But I won't tell anyone for the sake na magkaibigan tayo. Please lang fix this problem habang hindi pa kumakalat yung apoy." Pagpapaalala ko. Maybe si Adam nga talaga ang dapat kong kausapin tungkol dito. 


"Yeah thanks Demi." Ngumiti lang siya sakin ng malungkot. 


"Hmm cheer up." I patted her shoulder. Tumango lang siya. Magsasalita pa sana ako pero biglang nag ring yung phone niya. Sumenyas siyang sasagutin yung phone kaya hinayaan ko na. Lumayo muna siya at sinagot nga ito. Napatinging ako sa paligid. Marami paring mga estudyante kahit na labasan na. Tumingin ulit ako sa phone ko. This time may notif na new message kaya agad ko itong inopen. Disappointed kong binasa yung sender. Si Adam pala.


'Hey Dems sama ka sa victory party ng cheerdancers mamaya sabi ni Lili.'


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon