Special Chapter

6.5K 224 27
                                    

(Before the Wedding)


Demi's PoV


"Huy iinom ba tayo?" Tanong ni Steph habang nakatingin lang sa stage. Yung dating banda napalitan ng DJ. Hindi na namin namalayan yung oras ten na pala. Naka dim na yung mga ilaw at nagsisipasok na yung mga tao suot ang mga party clothes nila. Andito kami sa isang resto-club para icelebrate yung engagement namin ni Lilith. Hindi na sumama sina mama at tita. Nagpaiwan na sila sa resort. Yung ibang pinsan ko umuwi na din kasi may mga gagawin pa sila. For barkada night lang daw ngayon kaya pumayag na din ako.


"Okay lang sakin malapit lang naman yung resort." Pagsasangayon ni Max.


"Ayoko din umuwi pa, magiging third wheel ako sa room." Nakangusong sabi ni Fran. Oo nga kasama kasi siya sa room nina Steph at Ash. Supposed to be apat yung room pero may something na nangyari kaya bukas pa mababakante yung para sa kanya.


"So shats tayo?" Pagcoconfirm ni Keish.


"Game ako diyan. Ano walwal ba?" Tanong ni Ash.


"Gagi huwag may tour pa tayo bukas." Pagpipigil ko sa kanila. Sayang naman pinunta namin kung mauudlot dahil lang sa hangover namin.


"True sige chillnuman nalang." Aya ni Li kaya ayun nagorder na din sila agad ng beer. Nagkekwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari this past years. It turns out engage na pala sina Ash at Steph and planning din ang KeiMax. Nagtutulakan pa sila sino magpopropose.


"Sino nga bang magaakala na kayo pala magkakatuluyan. I really thought na tatandang dalaga to si Lili." Nakangiti lang si Maxine samin habang sinasabi iyon.


"Mas shocking ka gurl papalit-palit ka ng lalake noon akala ko team talong ka talaga eh. Paano mo ba talaga na pikot to bes?" Natawa naman ako sa tanong ni Li. Bastos talaga ng bibig neto.


"Ikaw naman bes wala ka bang tiwala sa alindog ng best friend mo. Pang forever tong mukha ko." Proud na sagot ni Keisha habang nakasmirk. Taas talaga ng self confidence nitong nilalang na to. Nagpatuloy lang ang kwentuhan. Most of it kay Fran dahil ngayon lang naman namin to nakasabay. Mukhang mas close pa nga sila kesa sakin. Hinila ni Ash si Steph para sumayaw sa dance floor. Ito namang si bespren inaaya rin si Li.


"Sige na sis. Iwan mo muna yan si Deb dit. Di naman yan hahanap ng iba. Pahiram muna ng fiance mo Debbie ah." Pagpapaalam niya bago hinila na rin patayo si Li mula sa tabi ko. Hinayaan ko nalang dahil mukhang masaya naman sila at si Fran naman yun. Sina Ash at Steph umalis din para sumayaw.


"Oh refill." Binigay sakin ni Keish yung isang stallion dahil naubos ko na yung akin.


"Thanks." Bago ito ininom. Di naman siya ganun ka tapang. Wala okay lang ako sa beer huwag lang sa mga tequila. Napansin kong sumenyas siya sa jowa niya. Nagbuntong hininga nalang si Max at nagpaalam na bibili pa siya ng alak. Nung kami nalang dalawa sa table binaling niya yung atensyon niya sakin.


"How are you?" Bigla niyang tanong. Yung tingin niya parang sinasabing I can talk about anything. Ngayon lang ulit kami nakapagusap ng seryoso nito.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon