Chapter 16

4.9K 241 32
                                    

Lilith's PoV


I sat beside them silently. Kita ko ang pagtataka sa mga mukha nila. Usually kasi maypa beso-beso pa kaming nalalaman sa tuwing nagkikita. Ngayon, I have this resting bitch face. Even though kalmado na ako dahil kay Eve. I still can't go back as if walang nangyari. 


"Anong nangyari sayo girl? You look so pissed." It seems na di pa umabot ang balita sa kanila. Well that happened thirty minutes ago. Wala nga sana akong plano na magstay dito sa school kaso Eve insisted na umattend ako ng practice to release some fumes daw. Ewan ko dun ang daming alam pero I'm really thankful for her. Para siyang ginawa sa mundo para maging moderator ko. She just knew what to say. I don't know how she did it pero may something talaga sa kanya na feeling ko nakakarelax. A friend I can lean on. 


As if on cue tumunog yung phone ni Ash. 


"Now I get it kung bakit ganyan mukha mo." She smirked habang nakatingin parin sa phone. 


"Why?" Baling sa kanya ni Max. 


"JB texted sabi may away na nangyari and it was between you and Adam right? Sabi pa binasa mo yung girl." Pagkukwento niya. Hindi ako sumagot. Sa tuwing naaalala ko yung nagyari sumasakit dibdib ko pero at the same time andun yung galit at inis.


"Bakit di mo kami tinawag? May bitch fight pala." Pagrereklamo ni Max. 


"You know we have your back girl." Steph added. Alam ko namang andito lang sila handang lumaban para sakin pero di ko makalimutan yung advise ni Eve na pwede namang hindi na paabutin sa away. 


"I just witnessed it didn't even know na andun yung girl kaya I don't have time to tell you." Pagpapaliwanag ko habang wala sa focus na iniikot yung cup of coffee na binigay ni Eve. 


"Is it the same girl last night?" Max asked. Siya yung nagtext sakin na nakita niya si Adam at yung Dani. She said that Dani girl made a move at kiniss sa cheeks si Adam. Papalampasin ko na sana eh kaso pati ba naman dito sa loob ng school plano niya paring landiin boyfriend ko. 


"Yeah." Simple kong tugon.


"Then what are you planning to do?" Excited na ngiti ni Max. Here we go.


"I don't know." 


"What do you mean di mo alam? Don't you want to get back? I mean we're up for some action." Ngisi niya. 


"Feeling ko mauulit lang din naman." Pagbubuntong hininga ko. Eve is actually right when she said na the problem is between Adam and I. Nagiging cycle lang din kasi nakakapagod din.


"Ano yun basta-basta nalang? Di naman yata pwede yun wala sa vocabulary natin ang umatras." Mataray na komento ni Steph. 


"Di ko alam bahala na." Pagbubuntong hininga ko ulit. Feeling ko pasan ko yung mundo. I miss Adam and Eve? teka bakit kasama yun. Erase. Erase.


"Igaganti ka namin lintik lang ang walang ganti. She should know better who to mess with." Panggigigil ni Max. May kung anong pilyang ngiti sa mga labi niya. 


"Don't. This is my problem girls." Pagpapaalala ko. I heard Eve saying na friend niya yung Dani. I already acted on impulse kanina and I hate to admit na di naman talaga tama. 


"Alam mo nagiging soft ka na. Dati ikaw pa yung nauuna sa pagbakod kay Adam." Ash gave me a weird look. Oo nga naman. Si Max yung leader ng grupo pero when it comes to Adam I really stand out. 


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon