Chapter 1

15.6K 365 112
                                    


Sumilay ang liwanag ng araw mula sa bintana at tumama ito sa mga mata ko. Nasilaw ako ng panandalian ng dahil doon. Agad kong pinikit ang aking mga mata at kinusot ito. 


"Demi!" Bungad sakin ng kaibigan kong si Riyn na mugto ang mga mata. Naupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. 


"Nangyari sayo? para kang galing lamay." Natatawa kong banat sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin. 


"Dems masakit pakiramdam ko." Daing niya at nayuko sa mesa. Luh ginawa nito?


"Bakit? anong kinain mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi siya sumagot at ngumiti lang. Alam ko ibig sabihin ng ngiti na to. Kaya naman pala mukha siyang nabaog ngayon.


"Ano ba ininom niyo kagabi?" Pagiiba ko ng tanong.


"Tatlong the bar at isang case ng red horse." Wala sa gana niyang sagot. 


"Kaya naman pala. Hayop ka din uminom kung kailan may gagawing activity tsaka mo naisipang mag ganyan. Nako Abel kukutusan talaga kita paghindi natin to nagawa ng maayos." Panenermon ko sa kanya. Sumimangot lang ang mukha ng gaga. Bilib din ako sa babaeng to at nakukuhang pumasok kahit bangag na bangag na. Minsan nga pumasok pa yan na lasing tapos ending ako ginawang yaya tch.


Pakilala ko nga pala bespar ko dito sa school. Riynilyn Abel, 19 years of age at first year CE. Kaklase ko sa halos lahat ng sub yan. Friends nga lahat dahil sa pagiging super friendly. Siya yung una kong naging kaibigan dito sa LSU dahil na din same course and block lang kami. 


"Goodmorning!" Isang babaeng puno ng kolorete ang mukha na may sobrang iksing palda ang nakatayo sa harap ng pinto ngayon. 


"Morning love." Salubong sa kanya ni Ads. Niyakap naman siya ni Lilith at siniil ng halik. Jusko po pda nanaman sila. Ano bang bago?! Napairap nalang ako ng lihim at tumingin ulit sa labas. Ayokong masayang pake ko sa kanila.


Yung dumating nga pala si Lilith Veron yun. Dakilang bad girl at bad influence sa school. Isa siyang architecture student. Maganda siya, as in super pero sadyang halos lahat ng masamang katangian nasa kanya na. Party girl, selfish, warfreak, spoiled at mukhang pinaglihi sa sama ng loob at pagminamalas ka nga naman, magkaklase kami sa dalawang sub. Isa pa yung boyfriend niya na si Adam Vinz Lacorte, an ME student at heartthrob ng campus. Gwapo naman kasi at ganda ng katawan. Crush ko dati yun kaso nung naging sila ni Lilith nawalan ako ng pake. Ewan ko ba at ayoko sa mga babaeng gaya ni Veron.


"Dems ano iniisip mo? Lalim naman ata at mukhang nakarating ka na sa bermuda triangle." Ani naman nitong katabi ko. 


"Wala naiinis lang ako." Sabay irap ko. Alam naman niya kung gano ko ka hate yung pda na couple sa likod.


"Yaan mo na girl." Natatawa niyang sabi. Di ko nalang siya pinansin at nakahalumbabang tumingin ulit sa labas ng bintana. May mga estudyanteng dumadaan papunta sa mga first sub nila. Ilang minuto din bago dumating si sir. 


"Good morning class." Ngiti-ngiting bati ni sir. Mukhang good mood teacher namin.


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon