Chapter 5

5.6K 254 50
                                    


Lumabas na siya ng kwarto niya habang dala-dala yung maliit niyang wallet. Nakabusangot parin mukha niya. Gusto kong matawa pero baka bugahan ako ng apoy nito.


"Ayoko na pala umalis. Ako nalang magbabayad ng lahat tapos bigyan kita tip." Nakapoker face niyang tingin sakin. As if madadala niya ako diyan.


"Ano? ako lang bibili tapos mageeffort at mananakit ang paa sa kakalibot ng bibilhin? Hindi, sasama ka. Gagawin mo pa akong alalay." Di ko talaga alam saan ko nakukuha tung confidence ko na sagot-sagotin lang siya. 


"Then let's take a taxi or grab. Ang baho baho sa jeep." Pagrereklamo niya. Anak mayaman talaga eh.


"Ang mahal ng taxi at grab tapos sa jeep ilang barya lang magagastos natin. Uso din naman tipid no." Pagkukumbinsi ko. 


"Bakit ako magtitipid? I have money." Mataray niyang sagot. Hays talagang pinapamukha niya sakin kung gaano siya kayaman. Nagmumukha lang akong hampaslupa sa babaeng to.


"No magcocommute tayo." I insist  at hinila siya papuntang pinto. 


"Ikaw nalang magcommute total ikaw naman may gusto." Inis niyang bawi sa kamay niya. 


"Lowbat phone ko." Palusot ko. Gusto ko talaga makita siyang sumakay ng jeep parang naiisip ko palang natatawa nako. Timing at uwian pa naman ng ilan ngayon kaya medyo maraming nasakay. 


"Then tell me where magkikita?" Matalino din pala babaeng to.


"No mas okay nang magkasama tayo mas nakakasave ng energy kesa magintayan. Tara na nga." Hinila ko muli siya papunta sa pinto. Di na siya umangal nung makalabas kami. Binitawan ko narin siya dahil baka akalain nito chansing ako.


Nakakatuwa pala siyang inisin.


...


Lilith's PoV


Argh naiinis ako. Never akong pinacommute ng parents at mga naging boyfriend ko tapos tong babaeng to lang magpupush sakin? Akala ko mabait siya sabi ni Keish pero parang ang laki naman yata ng galit niya sakin? Inaano ko ba siya. Makakaganti din ako Sandoval, kung di lang para sa project to at best friend ko pinakuyog na kita sa mga alipores ko.


Walang imik akong sumunod sa kanya. Di ko naman maiwasang tignan ang suot niya kasi nga nauuna siya sakin. Denim jeans, white rubber shoes, nakajacket siya ng grey at white inner shirt. Simple niya manamit tapos medyo maangas maglakad. Ngayon ko lang din napansin. 


Pumara na siya ng jeep at lumingon sakin. Sinenyasan niya akong mauna. Napatingin ako sa sasakyan namin. Medyo puno na din at yung ibang pasahero pawisan pa. God I hate this. Di ko nalang siya pinansin at pumasok. Nauna akong naupo at tumabi naman siya sakin. Bale siksikan kami, ang nasa kanan ko ay si Sandoval at nasa kaliwa ko naman ay isang lalaking naka sando lang. Ugh ang baho! Amoy putok yung kili-kili ni kuya na nakahawak sa taas. Parang gusto ko nang bumaba. 

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon