Chapter 22

5.5K 290 98
                                    


"Uhm akala ko ba di ka sasama?" Taas kilay ko lang siyang tinignan nung nasa school parking lot na kami. Kagabi kasi sabi niya ayaw niya tapos kanina tinanong ko ulit ayaw parin pero nung aalis nako nagulat ako naka bihis na pala ang loko. 


"Nagbago isip ko." Chill niyang sagot. 


"Sure kang okay lang sayo? Medyo mainit pa yung balita tungkol sa inyo." Naka shades lang siya kaya di ko makita yung mga mata niya. Yung get up niya ay ganun parin naman. Lilith Veron yung dating.


"Oo nga tara na para matapos na to." Hinawakan niya yung kamay ko kaya ayun nanaman yung kuryenteng tagos hanggang puso ko. Ang korni na pero ganun talaga. Ang lambot ng kamay niya- teka erase erase.


"Ha? Bakit saan ba tayo pupunta?" Nagpahila nalang ako. Medyo magkasing tangkad lang kami ngayon kasi naka heels siya.


"Outing with friends." Sagot niya lang. 


"Friends? bakit wala kang sinabi kanina?" Gagi din to magplano agad-agad.


"Max texted me. We can have a little trip habang wala pang klase." Si Maxine? Ayoko kung ano-ano pa naman trip nun. 


"Sino ba kasama?"


"Max, Ash, Steph and Keish." Wee?


"Sila lang?" Wala yung mga baby boys nila?


"Hmm bakit ba? May gusto ka isama?" Kunot noo niyang tanong.


"Si Jeremy." Suggest ko. Biro ko lang naman sana dahil alam kong triggered to sa pinsan niya pero di ko aakalain titigil siya sa paglalakad at humarap sakin.


"Umamin ka nga sakin. May gusto ka ba sa pinsan ko?" Seryoso na siya diyan guys nakakatakot. Buti nalang wala masyadong tao.


"Hindi no. Natutuwa lang ako pagkasama siya? Parang same vibes lang." Feeling ko kasi mao-out of place ako pagandun sina Max. Si Jem lang naman nakakausap ko nung mga inuman days namin.


"Promise?" Para talagang bata.


"Yeah swear." Sabay taas ko ng right hand ko para manumpa. Loko parang tanga.


"Good." Ngumiti lang siya at hinila lang ako ulit. Di ko talaga magets utak neto. Minsan she act like a jealous girlfriend minsan naman pinapamukha niya sakin na straight siya. Ang gulo ng sinasabi sa ginagawa. Pero kahit ganun ang sarap sa feeling na inaangkin niya ko. Yung pinagdadamot ako. Delusional man pero bigay niyo na to sakin dito na nga lang ako kumakapit. 


"Kailangan ba talagang kasama ako?" Tanong ko sa babaeng patuloy lang akong hinihila. Aangal pa ba ako? Siya na nga tong humawak sa kamay ko.


"Of course. Paghindi ka pupunta malilintikan ka sakin." 


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon