Chapter 15

5.3K 247 54
                                    

Pinark na ni Li yung sasakyan niya. Sabay na kaming pumasok wala din naman masyadong ganap ngayon dahil busy ang lahat sa Udays. No class din para maka focus ang lahat sa praktis. Pupunta ako sa USG dahil need ang mga volunteers para sa ibang decoration for Monday. Uuwi kaso ang ibang officers this weekend.


"Saan ka ngayon?" Tanong ng katabi ko. 


"Office. Ikaw? Wala ka bang praktis?" 


"Hmm mamaya pang nine. Seven pa kaya ang aga mong mangising." 


"Malay ko bang sira pala yung relo ko." 


"Tara na nga pupuntahan ko nalang sila Max." Pareho kaming lumabas na ng sasakyan niya. 


"Ayaw mong makigpagusap kay Ads?" 


"Not yet lalapit naman yun kung trip niya nang manuyo." 


"Pabebe ka rin eh." Nilock na niya yung car kaya nagsimula na kaming maglakad papunta sa pupuntahan namin. If I were right, sa cafitiria ang daan niya kaya same direction lang kami.


"This time kasalanan niya." 


"Well relasyon niyo yan. Bahala kayo." Habang naglalakad may biglang tumawag sakin mula sa likod.


"Demi!" Sabay naming nilingon ni Li kung sino. Si Jeremy pala.


"Uy Jem Good morning." Bati ko sa kanya. Nung nasa harap na namin siya ang lapad ng ngiti. Si Li naman poker face lang.


"Good morning at sayo din insan." 


"Morning aga-aga pawisan ka. Ano meron?" Tanong ni Li sa kanya. Oo nga, naka sports attire. Tadtad ng pawis yung mukha at hinihingal.


"May morning practice kami sa soccer team. Cheer niyo naman ako same department tayo ah." Ay hala oo nga pala. Hanep din tong magpinsan na to ang tatalented. Si Li sa cheerleading si Jem naman sa sports. Ang alam ko si Adam nasa basketball din eh. Representative sila ng college namin. Nakakaproud  na somehow maykaibigan akong ganito at the same time nakaka out of place.


"Kailan ba laro niyo?" Tanong ko.


"Monday after ng opening." 


"Eh yun yung oras na magsisimula ang cheerdance." Sagot naman ng katabi ko. Oo nga naman. 


"Sayang ikaw nalang manood Dems. I promise mananalo kami pag nanood ka." Ngumiti siya ng matamis. Alam niyo yung hopeful na ngiti. Cute din ng lalaking to kaso sorry one crush at a time eh. Pero why not take on his offer? 


"Manonood si Eve samin." Putol ni Li. Maysinabi ba akong ganun?


"Really?" Sumimangot si Jem. 


"Uhm I'll try to go at panoorin ka." Ngumiti ako. Wala namang masama kung pupunta ako since I am thinking of redirecting this so called attraction. Naramdaman kong may kumurot sa tagiliran ko. Iinda na sana ako nung magsalita ulit si Jem. Ang lapad ng ngiti eh. 


"Thank you soooo much Dems. I promise pagdadating ka di mo pagsisisihan." Siniko ko yung kumurot sakin ng palihim. Gago ang sakit.


"Yeah no pressure pagigihan mo ang pagsasanay. Sige na tinatawag ka na ng coach niyo." Tinuro ko yung malaking lalaking nakatingin sa direksyon namin. Nilingon naman ni Jem.


"Oo nga. Sige see you on monday." bumalik na siya sa direksyon papuntang field.


"Tsk." Padabog na naunag maglakad si Li nung wala na sa harap namin si Jem. Agad ko naman siyang sinundan.


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon