Chapter 26

5.5K 269 49
                                    

Lilith's PoV


I woke up with a very very painful headache. My God ganun ba ako ka lasing kagabi? Feeling ko bloated yung mukha ko sa kakaiyak. Wala nakong maalala after ng seventh shot. Ang lakas naman kasi ng pinili nilang inumin. Napaupo nalang ako habang hawak parin ulo kong feeling ko talaga mahahati na sa dalawa.


"Yo good morning madam! Ay mali tanghali na pala." Bumukas yung pinto at bumungad sakin ang nakangiting Ashley. Mukha siyang dinaanan ng bagyo. Ang gulo ng buhok. Sino kaya nakarambulan nito. 


"Walang maganda sa morning." Inis kong sagot. Ang sakit nga ng ulo ko. 


"Aga-aga nakasimangot ka. Oh eto gamot." Nilapag niya sa side table yung tubig at pain reliever. Kumunot noo kong tumingin ulit sa kanya. Tapos ginala ko yung paningin ko sa kabilang kama wala si Eve. Asan nanaman kaya yun.


"Kung hinahanap mo si Demi ayun pinagluto kaming lahat ng mainit na sabaw. Siya nagsabing dalhan kita ng gamot." 


"Bakit hindi siya ang magdala?" 


"Madam ah ang demanding. Busy nga yung tao sa kakaaruga sa mga may hangover." Tch may hangover din naman ako ah bakit di niya ako alagaan? Spoiled na nga ba ako masyado kay Eve? I don't even know why I am acting like this to her pero gusto kong exclusive na sakin yung atensyon niya. May mali ba sakin? O nagiging ganito lang ako kasi sanay akong sakin siya nakatingin at nakabantay? Maslalong sumasakit yung ulo ko sa iniisip ko. 


Inabot ko nalang yung gamot at ininom ito.


"Gurl sunod ka nalang sa baba." Nauna nang umalis ng kwarto si Ash. Habang nakatunganga ako sa harap ng dingding may bigla akong naalala. Di ko alam kung panaginip ba yun pero sobrang blurry. 


I think I was dreaming of Adam and Eve? Gets ko na andun si Adam pero si Eve di siya mawala sa utak ko. Hindi ko alam bakit naguguluhan nga rin ako. I just want her by my side. Gusto ko nga magtampo dahil ayaw niya sabihin kung sino gusto niya. Parang gusto ko siya sabunutan. 


In my dream I was kissing someone and I don't know why pero nasabi kong 'Adam... thank you for breaking us.' or something like that na parang nagpapasalamat pa ako na ginawa niya yun. Basta di ko maalala kung sino yung hinalikan ko sa panaginip ko. Is it Eve? Teka bakit si Eve? Feeling ko umakyat lahat ng hiya ko sa mukha nung imaginin kong si Eve nga yung hinalikan ko. Napahawak ako sa dibdib ko.


"Huy kumalma ka kakabasag mo lang." Lumanghap ako ng sariwang hangin at bumuntong hininga. Pinakalma ko yung mga putanginang iniisip ko. Impossible. Straight ako. Hindi pa nga ako nakakamove on kay Adam. Speaking of Adam his name doesn't feel so heavy anymore. Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi pero parang gumaan yung pakiramdam ko. Gumaan ang pakiramdam...


"I need my morning kiss." Napapout ako at tumayo na para pumunta sa baba at hanapin yung taong hihingan ko ng halik sa noo. I love her kissing me like that. Feeling ko may spell talaga yung kisses niya eh.


"Magandang tanghali gurlah." Bati ni Steph habang sumisigop ng sabaw. Mukha silang galing away. Ang dugyot at parang ilang araw walang tulog.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon