Chapter 38

4.8K 211 28
                                    

Pinark ko na yung sasakyan sa isang simbahan. Ewan ko kay Eve at dito niya napiling makipagkita. Isang oras din byahe mula samin at dito sa kanila. Bumaba na ako ng sasakyan at ginala ang paningin sa paligid. Malinis at maganda naman yung simbahan pero mahahalata mo talaga na may kalumaan na. Wala rin akong nakikitang ibang tao kaya pumasok nako. Sa pagpasok ko nakita ko ang isang pamilyar na pegura na nakaupo at nakaangat lang ang tingin sa altar. Kahit siguro kahit saan makikilala ko siya mula sa likod niya lang.


"Bakit tayo andito sa simbahan?" Bungad kong tanong sa kanya.


"This is my secret place or at least dito ako pumupunta pag may problema ako." Sagot niya ng hindi parin lumilingon sakin. Alam kong mabait si Eve kaya di na nakakagulat na madasalin din siya. I don't often pray kaya medyo nakakakonsenysa din. Tahimik lang akong umupo sa tabi niya.


"May problema ba?" Pansin ko kasing malungkot yung tono ng pananalita niya.


"Nothing nadala lang ako sa pagdadasal." Ngiti niya kahit halata sa mga mata niyang umiyak talaga siya. Ganun ba yun?


"Sure?" I don't know parang iba kasi yung pakiramdam ko.


"Yeah kamusta si tita?" Pagiiba niya ng topic. Mukhang ayaw niya rin naman pagusapan kaya hinayaan ko nalang.


"She's good. Tumaas lang dugo niya pero stable na naman." Ngumiti lang ulit siya sa sagot ko.


"That's great." Di ko maiwasang mapatitig sa kanya.


"I'm sorry."


"Para saan?"


"Sa pagalis ng walang paalam. Nagpromise ako sayo na sabay tayong uuwi sa inyo." Napayuko ako kasi nahihiya talaga ako. Feeling ko ang sama kong tao. I hate breaking promises. Hindi siya sumagot kaya napaangat ulit yung tingin ko sa kanya. Nakangiti lang siya sakin pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dito kasi parang ang lungkot ng ngiti niya.


"It's fine. Para kang tanga. Medyo hindi rin kami okay ni mama ngayon kaya blessing in disguise narin siguro." She patted my head at patuloy nga ngumiti.


"Why? What happened?" Kaya pala ang lungkot niya tignan.


"Just family problems but enough about me. Come on cheer up. Mukha kang tuta na pinagalitan ng amo." Natatawa niyang sabi kaya napanguso ako. Nagawa pa akong asarin. Pero habang nakatitig ako sa kanya di ko maiwasang maalala nanaman yung sinabi ni mommy. Should I tell her? I only have a week to decide kaya mas mabuti siguro kung sabihin ko ng mas maaga.


"Eve what do you think about long distance relationship?" Medyo nabigla naman siya sa tanong ko.


"Hmm bakit?"


"Sagutin mo nalang."


"Ewan hindi ko pa natatry kasi ayoko din." Aray naman.


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon