Chapter 21

5.6K 268 127
                                    

Ang tahimik ng paligid. Tangina ba't parang may dalawang magkaibang titig yung nararamdaman ko sa likod ko. Yung isa talaga parang papatayin ako. Tinapos ko nalang iarrange yung mga kakainin namin at lumapit ulit sa kanila. Si Jem ngiting-ngiti sakin to the point na kikilabutan ka. Kay Li naman ibang kilabot. Ang sama ng tingin niya sakin lalo na kay Jem.


"What are you doing here?" Suplada niyang tanong sa pinsan niya. Di ko talaga alam kung bakit ang init ng dugo niya kay Jeremy. 


"Just visiting you. Bawal ba?" Sagot naman nito na hindi parin inaalis yung tingin sakin. Nginitian ko nalang din siya.


"Oo kaya umuwi ka na. If I know inutusan ka ni Adam." Nagcross arms lang siya. Nung banggitin niya yung pangalan ni Adam, doon na siya binalingan ng tingin ni Jem.


"Can't I check on my cousin? Besides walang sinabi si Adam. He only told me na kasalanan niya. Andito ako para malaman ang side mo." Naging seryoso bigla yung aura ni Jem. Feeling ko tuloy may Lilith boy version sa harap ko. Mukhang seryosong usapan to. 


"Teka may aayusin lang pala ako sa kwarto. Maiwan ko na-" 


"No you stay here." Utos ni madam at tinapik yung upuan sa tabi niya. Nagaalangan naman akong tumingin kay Jem. Baka kasi gusto nila ng space na sila lang at makapagusap?


"It's okay Dems." Malumanay niyang sabi sakin. Bakit pag ako ang kausap ang lambing niya. 


"O-kay." Naupo ako sa tabi ni Li. 


"Now what do you want to know?" Mataray niyang tanong sa pinsan niya. 


"Yung nangyari. Totoo bang nagcheat si Adam sayo?" This is the first time na nakita kong seryosong-seryoso si Jem. Ang layo dun sa usual gentle at warm niyang expression. 


"Yeah he did." Kalmadong sagot ni Li. 


"Gago pala siya. Do you want me to tell tito about this? Para naman magtanda yung lalaking yun." Halata sa tono niya yung inis. Kaya napangiti ako. May ganito din palang protective na pinsan si Li.


"No ayokong masali si dad. Alam mo naman yun mas malala pa sakin. Kahit na may kasalanan sakin si Adam di ko naman gugustuhing may mangyaring masama sa kanya." 


"Tch asan na ba yung maldita kong pinsan? Akala ko ba babalatan mo siya ng buhay kung magloloko. Ano na nangyayari ngayon?" Medyo natawa ako sa brutal niyang pananalita. Indeed ganung yung Lilith na kilala ko noon. Mapanakit lalo na pag binangga siya.


"Sino ba nagsabi na hindi ako gaganti?" Napatigil naman kami ni Jem at sabay na tumingin sa kanya. 


"May balak ka?" 


"Not now pero natural meron. Lintik lang ang walang ganti." Nagsmirk siya na parang may naiisip na masamang ideya. Naku naman minsan nakakalimutan ko yung pagka demonyita niya. Kamakainlan lang ako yung target sirain yung buhay.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon