Chapter 9

5.2K 257 23
                                    

Finally! tapos na rin ang exam and I am confident about it specially on my major and maybe sa conworld na rin. Masaya kong nilapag yung drawing tube ko at bag sa couch. I just came back and kulang ako sa tulog mula sa puyatang plates para sa exam namin. Hindi ko na hinintay si Adam dahil mamayang six pa labas nun.



Ang sarap sa feeling na wala nang poproblemahin sa acads kahit ngayon lang. I need to sleep dahil may lakad kami mamaya ni Adam and the girls sa tambayan. Wala lang a little celebration for the end of exams. Ayokong pumunta na antok at bangag na bangag dahil kulang sa tulog. If my guess was right maraming ininvite sina Max na boys for their own happiness. Wala naman akong pake sa kanila mas gwapo pa rin boyfriend ko.


I checked the time and it's still three in the afternoon. Mamayang nine pa naman start ng party. I set my alarm to seven before finally standing up para matulog sa kwarto pero may bagay na umagaw ng atensyon ko. Yung sticky note na iniwan ni Sandoval last time. Napangiti naman ako ng maalala ang babaeng nagsulat nito. Hmm maybe I should invite her.


Excited kong hinanap yung number niya at tinext siya. Kung curious kayo paano ko nakuha number niya, kay Adam ko nakuha na hiningi niya naman kay Riyn.



'Eve! Come with us later. Libre kita as thank you gift.' message sent. Nagbihis na din ako ng pangbahay. Nung matapos na lahat ay nahiga na ako sa kama. Ugh my precious bed. Inaantok na ako pero narinig kong tumunog yung phone ko. Kinapa ko ito sa side table at tinignan kung sino ang tumatawag. Yung inis ko napalitan ng ngiti.



'saan?' bungad niya sakin. Sungit talaga nito parang daig pa ako kung magsungit.


'Sa Tambayan yung bar konting celebration dahil tapos na exam.' Sagot ko.



'Sino kasama?' hmm napaisip naman ako. For sure dadalhin ni Adam barkada niya. Meaning kasama yung cousin ko at sina JB. Naalala ko tuloy yung closeness nila ni Jeremy nung birthday ni Ads. Mukhang bet ng cousin ko si Eve tch.


'Too many to mention.' Simple kong sagot. Madami naman kasi talaga.


'Ayoko maa-out of place lang ako dun' narinig kong napabuntong hininga siya sa kabilang linya.


'Sasama ka at susunduin ka namin ni Adam. Don't you dare say no to me, Eve.' Pagbabanta ko. Di ako sure kung matatakot to sakin pero ayoko talagang tinatanggihan ako. Gusto ko lang naman siya isama.


'Tangina mo talaga Veron. Anong oras ba?' naiimagine ko yung mukha niyang naiinis. Hindi naman pala ako matiis eh.


'Mamayang nine and better pick up your phone pagtatawag ako.' I smiled. Di ko na siya hinintay na sumagot at ini end ang call. Umuusok na ilong nun HAHA.


Binalik ko na yung phone sa side table at nahiga na sa kama. Nakangiti akong nakatingin sa kisame. Natutuwa talaga ako sa babaeng yun. Di ko din alam, parang ang saya ng atmosphere pagsiya yung kausap ko. Pumikit nako at bago makatulog ng tuluyan naalala ko yung mukha ni Eve nung tinuturuan niya 'ko. Hayst ano bang nangyayari sakin.




...



Demi' s PoV



Ugh kahit kailan talaga napakautosera nung spoiled brat na yun. Binabaan niya pa ko ha wow talaga. Inis kong binalik sa bulsa yung phone ko. Well nagaya din naman kasi si Janine na magtambayan dahil nga tapos na exam. Di ko tuloy alam kung kanino ako sasama dahil for sure magtataka naman yung isa kung sasama ako kay Veron. Di ko pa kasi na kukwento sa kanya na medyo in good terms na kami.



"Laki ng problema ah. Akala ko ba tapos na ang exam?" Nilingon ko ang bagong dating na si Riyn. Hinihintay ko kasi siyang matapos sa last exam niya para sabay na kami umuwi.


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon