Chapter 4

5.8K 265 7
                                    


Wala sa pagiisip akong pumasok sa calculus class namin. Kulang ako sa tulog at masakit pa ulo ko. Pagupo ko palang pansin na agad ni Riyn ang mukha kong parang pinagbagsakan ng langit at lupa. 


"Nangyari sayo?" Usisa niya at hinawakan noo ko. "Wala ka namang lagnat" 


"Uminom ako kagabi." Nasabi ko nalang at binaon ulo ko sa braso ko dahil medyo masakit pa rin talaga. Pumikit ako at nagbaka sakaling mawala ito.


"Ew weak." Natatawa niyang sabi. Pinakyuhan ko nalang siya dahil ayokong magsalita. Nakakadagdag ng sakit sa ulo.


"Buti nalang talaga walang quiz ngayon kundi lagot ka." 


"Di naman ako iinom kung may quiz ngayon." Pagdedepensa ko. Totoo naman eh.


"Tsk sabi mo eh." Tumahimik na siya. Narinig ko boses ni Khims na nagtatanong tungkol sakin. Sinagot naman siya ni Riyn. Di ko nalang sila pinansin at mas piniling umidlip. May time pa naman bago mag time. Ilang segundo lang nakatulog na ako pero bago yun isang pamilyar na mukha ang sumilay sa isip ko. Her smile that always makes her look more beautiful...


But scary. 


...



Lilith's PoV


Kakapasa ko lang ng plates ko kay Ms. Mich. The usual ako nanaman ang pinaka unang nagpass. I might look like pabaya pero no I'm not. I still value my studies as much because my parents will kill me if I won't. Wala na akong ibang gagawin kaya tinext ko na si Keish, ang dakila kong bff. Napagdisisyonan namin magkita sa gym dahil andon siya nanonood sa boys.


"Did you do what I told you to?" Bungad ko sa kanya. Agad naman siyang napa irap.


"Seriously? yan agad hahanapin mo sakin?" Nakacross arms niyang sabi. 


"Of course Keish." Umupo na ako sa tabi niya. 


"Hi Lili!" Bati sa aking ng mga naglalaro. Kumaway lang ako sa kanila. Gwapo pero mas gwapo babe ko. Mga crim pala yung mga naglalaro. Namumukaan ko yung iba dahil sa friend din ni Adam yung ilan.


"So ano nga?" Baling ko ulit sa katabi ko.


"Well I talked to someone na schoolmate niya dati." pagsisimula niya. Nakinig lang ako. 


"She's not straight bes." 


Napatigil ako sa sinabi niya. I didn't know. Kahit na medyo di yun girly manamit di parin halata na pumapatol pala siya sa kapwa niya babae. Don't get me wrong, I don't have anything against people like her. Nakakagulat lang kasi. Di ko din naman siya tinutuonan ng pansin dahil focus lang ako sa mga friends and bf ko. 


"Really?" yun lang nasabi ko. 


"Hmm she had a girlfriend before but they broke up before graduation." continuation niya. Napatahimik nalang ako at tulalang nagisip. 

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon