Chapter 27

5.9K 292 89
                                    

A/N: Donny Pangilinan as Adam


...


Demi's PoV


Napahiga ako sa couch matapos maibaba yung mga bag namin sa sahig. Nakaupo lang kami for almost five hours pero parang nakakapagod ng sobra. Tinignan ko yung kasama ko na nilalaro yung si Levi. Nilagay na muna namin yung puppies sa isang kumpol ng towel dahil wala naman siyang lalagyan. Naalala ko tuloy nung inexplain niya ang pangalan ni Levi. Kinuha niya raw sa pangalan naming dalawa. Ang cute nga parang anak namin yung aso.


"Li anong gusto mong dinner?" Tanong ko habang nagsoscroll sa phone for update. Ngayon ko lang ulit machecheck kasi ngayon lang din binalik ni Max yung mga phones namin.


"Lalabas tayo diba." Sagot niya. Oo nga pala ngayon sila maguusap ni Adam. Bakit ba kasi kailangan ko pang sumama? Sa pagtitingin ko sa notif nakita ko yung message ni Jem. Binigay ko pala yung number ko. Wala pa naman akong load di ako makakareply. Bukas ko nalang siya kakausapin kung magkikita kami.


"Alam ba niya na sasama ako?" Baka magulat yun may chaperon pang kasama. Parang pinatawag lang ng titser yung magulang naging guardian pa ako.


"Hindi." Simple niyang tugon. 


"Kayo na nga lang magusap magiibang table lang ako. Ayoko magmukhang third wheel para lang tanga." After nung nangyari kahapon narealize kong huli na para umatras. Hindi lang ako ang na aattach sa relasyon na to. Kahit iba yung love niya sakin ipagkakasya ko na yun. I can't want for more but at least I can stay by her side. Be someone she can run to kung kailangan niya ng makakausap. I realized I am important for her too and tama yung sinabi ni Max at Keish masasaktan kami kung itatago ko kaya simula ngayon I'll express my love on my own way.


"Okay fine basta sasama ka." 


"Good magbihis ka na may tulo ka pa ng laway." Nguso ko sa bibig niya kaya nakatanggap nanaman ako ng hampas. Ayan nanaman siya.


"Mapanakit ka talaga." Reklamo ko habang hinihimas yung braso ko.


"Che magbihis ka narin aalis tayo ng seven." Umirap lang siya at pumasok na nga sa kwarto. Bumaba yung tingin ko sa aso. Nagtilt lang siya ng ulo na para bang hindi niya rin alam kung bakit ganun ugali ng amo niya. 


"Come." Binaba ko yung kamay ko at lumapit naman siya. Niligo namin to kanina kaya ang bango na. Buti nalang may aso sina Max dun kaya may mga dog food at shampoo. Binuhat ko siya ay tinignan sa mata. Nakatitig lang din siya sakin. I'm actually a cat person pero may aso din naman kami sa bahay. 


"Levi bakit ganun mommy mo?" Tanong ko sa aso. She whimper and again nagtilt siya ng ulo. Ang cute talaga ng asong to.


"Di mo rin gets no? Maliligo muna si mama ah." Kiniss ko si Levi dahil na cucutan talaga ako bago siya binaba ulit. Naligo nako dahil feeling ko ang lagkit ng katawan ko. Tinignan ko yung oras Six Fourty five na pala. Nagmadali na akong magbihis. Pagkatapos ko ng lahat lumabas nako ng kwarto. Paglabas ko wala pa si Li. Antagal talaga.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon