Chapter 20

5.6K 259 158
                                    

Finally nakatulog narin siya. I don't know what actually happened pero I'm sure this is related to Adam. Walang sinabi si Li. Umiyak lang siya ng umiyak sa harap ko kaya hindi ko nalang tinanong mukhang mas kailangan niya ng katahimikan. Tumingin ako sa oras. It's already eleven. More than one hour din siyang umiyak kaya mugtong-mugto yung mga mata.


Tumayo nalang ako at hinayaan siyang makapagpahinga sa kwarto. Buti nalang naisipan kong pumunta sa condo niya. Actually nagtatampo ako sa kanya dahil sa ginawa niya pero nung magising ako doon ko na realize na wala naman akong dapat ipagtampo talaga. I mean she's Lilith. I should know na may time na ganun ang ugali niya. So I dedcided na magintay nalang sa condo niya dahil for sure lasing yung uuwi pero hindi ko ineexpect na ganun yung dadating na Lilith.


I looked for my phone at dinial yung number ni Dan na agad niya namang sinagot. Agad kong napansin yung paghikbi niya.


"Eve I'm sorry a-alam na niya." Okay that explains a lot. Napapikit nalang ako. Alam kong dadating ang araw na malalaman niya pero ang bilis. 


"How? Anong ginawa niyo?" Naiinis ako pero kailangan kong makinig at kumalma. 


"Tinawag ko si Adam dahil gusto ko nang itigil ang lahat pero hindi namin inaasahan na maririnig niya yung usapan namin." Halata sa boses niya yung guilt. You reap what you sow. 


"Where is Adam?" 


"He left sabi niya susundan niya si Lilith. He look so devastated nung sinabi ni Lilith na pwede na siyang bumalik sakin. Lumuhod siya sa harap ni Veron Demi. Doon ko napagtanto na mahal na mahal niya nga si Lilith s-sumira ako ng relasyon." Humihikbi siya sa kabilang linya. Di ko alam kung anong gagawin ko. 


"Kailangan mo yang tiisin. Consequence yan ng actions mo Dani. Live with it." Yung nalang ang sinabi ko. Wala namang dapat gawin ngayon kundi ang humingi ng tawad kay Li. Ayoko man nakikitang nasasaktan siya pero mas mabuti narin siguro na napaaga kesa patagalin pa.


"I know I'm sorry. Dapat nakinig ako sayo ng mas maaga." 


"Hmm hwag ka nang umiyak. Stop dealing with regret. Nangyari na Dani ang tanging magagawa mo ay ang tanggapin ang kamalian mo. Magpahinga ka don't think too much. Sa ngayon tulog na si Li at safe siya." 


"Thank you Demi." Sincere niyang sabi kaya ngumiti nalang ako. Once again, sasabihin kong hindi masama si Dan. Mali lang yung way na ipakita niya yung pagmamahal. Pero kung iisipin wala talagang mali sa pagibig. Minsan may nagagawa tayong kamalian dahil yung pagibig ginagawa natin addiction at alam naman nating ang kalabisan ay nakakasama. Love is not toxic. It's your way of expressing it.


"Yeah sige na." Binaba ko na yung tawag. Mabigat kong inupo yung sarili ko sa couch. Kanina lang ang chill ng paligid ngayon ang bigat. Pinikit ko yung mga mata ko. Itutulog ko nalang siguro muna to. Bago pa ako dalawin ng antok biglang tumunog yung ringer. Tumingin ako sa oras maghahating gabi na.


Mukhang kilala ko na kung sino ang nasa kabilang pinto. Tumayo nako at lumabas. Sinigurado ko munang sinara yung pinto bago harapin ang lalaking gustong-gusto kong sapakin ngayon. Dahil sa kanya nasasaktan yung dalawang babaeng importante sakin. He look so wasted. 

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon