"Pero random." Ngisi ni sir na umani ng ingay mula samin. Bakit ang lupit mo sir! Napabusangot naman kami ni Riyn. Sana lang mabait ang magiging partner ko. Nagsimula nang magbunotan gamit ang prinepare ni sir na nakafold na papers. Si Riyn na susunod kaya agad namang tumayo ang bruha. 

"Miss Abel at Zamora." Tingin ni sir sa papel tsaka sinulat ang names nila sa class record niya.

"Ho?" Di makapaniwalang tanong ni Riyn kay sir. Natatawa ako sa itsura niya. 

"Copy sir!" Sagot naman ni Eugel na parang wala lang. Inis na tinignan siya ni Riyn at padabog na bumalik sa tabi ko. 

"Ayos babe! partners tayo." Ngiting pangiinis naman nitong lalakeng nasa likod namin. Nasabi ko na bang crush siya ni Riyn? Natawa ako itsura ni Riyn. Para siyang matatae na ano. Kung ikaw ba naman asarin nitong  si Zamora tignan ko lang kung di ka mafafall. Ang sweet niya kasi kay Riyn tapos ito namang si dalaga sumasabay yan tuloy naging marupok.

"Tigilan mo ko Euge may kasalanan ka pa sakin." Sabay irap niya. Pakipot talaga tong babaeng to. Pabebe masyado tch.

"Sorry na nga babawi ako. Gawin natin ang proj sa Infinitea." Ngisi niya habang nag aaya. Tumingin naman siya sakin. 

"Sama ka Dems?" Tanong niya. Napa smirk nalang ako tinignan siya ng may kahulugan.

"Di na, baka maistorbo ko pa date niyo." Pangiinis ko. Isang mahinang hampas namn ang natanggap ko mula sa nagbublush kong kaibigan. 

"Tigilan mo ko Sandoval." Ani niya sabay umirap. Tinawag na ako ni sir dahil ako na susunod na bubunot. Nagdasal ako sa isip ko na sana naman di ako malasin sa partner. Nung makapa ko na yung papel na feel ko yun na nga agad kong binigay kay sir. 

Napalunok ako sa kaba. Okay lang kahit sino o kahit batugan pa siguro maging kapartner ko. Huwag lang yung dalawang couple sa likod na kulang nalang maglaplapan sa harap ng klase.

"Your partner ay si Miss Veron." 

Parang nabingi ako sa sinabi ni sir. Sino daw? as in si Veron? seryoso? Nanlumo agad ako sa narinig ko. Nagsusumamong tumingin ako kay sir. 

"Sir di ba pwedeng makipag palit? Sila na lang ni Adam ang ipartner mo." Nanghihina kong sabi kay sir. Natawa lang siya at umiling.

"Kaya ko nga to ginawa para mapaghiwalay ang dalawa. Ilang warning na natanggap ko dahil sa kalokohan ng dalawang yan." Napasinghap nalang si sir at masuyong ngumiti sakin. Wala akong nagawa at tumango nalang. 

"Kaya mo yan Demi." Pagchecheer ni sir sa akin. Wala sa sarili akong bumalik sa upuan ko. Bakit ganun lord? Mabait naman ako ah bakit kailangang siya pa magiging partner ko? Ayoko po. Iniisip ko palang na iistress nako. 

Tinapik ako ni Riyn na parang nakikiramay siya sa nangyari. 

"Okay lang yan Dems. Mapasensya ka namang tao eh. Ipagdadasal nalang kita." Ani niya. Di ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa sinabi niya. Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa labas. Minor sub lang naman to. Naisip ko tuloy na di na lang gawin. Ewan ko nakakawala ng gana pero pag na aalala ko naman sila mama di ko kayang ibagsak. 

Wala sa sarili akong napasabunot sa buhok ko. Binigay na ni sir ang topic at nagsimula na din siyang mag turo. Di ako makapagfocus. Lumilipad isip ko sa babaeng nasa pinakalikod na sa hula ko natutulog na naman. Di ko namalayan na time na pala kung di lang tumunog yung bell. 

"Dems tara sa tambayan." Aya sakin ni Riyn. Tatayo na sana ako nung nahagip ng mata ko ang magkalampungan na magshota sa likod. Napailing ako ng wala sa oras at binaling na lang ang atensyon ko kay Riyn. Bahala na, gagawin ko na lang magisa to.

Lilith's Smile (GxG)Where stories live. Discover now