Chapter 53

2.8K 97 15
                                    

Blue

Matapos ni Alexa magpaalam sa 'kin at sa parents ko ay agad na akong bumalik sa kwarto para magbihis. My phone beeped, so I opened it and read the message from Grace. "No class this morning, cutie. See u later ;)" I then smiled but didn't send a text back and decided to sleep instead. Napagod kaya ako patulugin si Alexa.

I admit, I was scared by the incident last night but didn't show it to Alexa para hindi na siya mag alala ng sobra. That's why when we made love, it felt like it was the last one, sinadya kong bagalan lahat. Maging tahimik, that the sound we could only hear is our gasps and heartbeats.

Saktong lunch na rin nang magising ako, mabilis akong nagbihis. Pinili ko lang ang pocket tee na white, black varsity jacket namin, denim pants and adidas gazelle na black para simple lang. Simple lang kasi ang mga kapwa ko students sa bago kong school unlike sa dati na mga rumarampa ng designer bag and clothes.

Bago umalis, I immediately grabbed Kate's salad and smoothies sa dining table while she's not looking. "Thanks ulit Kate!" sigaw ko pa at dali-daling tumakbo palabas ng pinto.

Nang makapasok ako sa kotse ay sakto ring kakalabas niya lang ng pinto. "Hoy Blue lagi mo na lang kinukuha salad ko!" Sigaw niya sa 'kin pero bago siya makalapit ay nagdrive na ako palayo ng bahay. Batang 'yon, hindi man lang ako tawaging ate.

"Hey Elise!" 'Di man ako lumingon ay alam ko na kung sino ang tumawag sa 'kin. That soft voice. Nakakakiliti. "Hindi ka nagtext back kanina" dagdag niya at tila sumimangot pa.

Ipinasok ko muna sa locker ko ang mga pamalit ko after practice bago siya lingunin. Tama nga ako, nakasimangot siya. "Required ba?" Nakakakoloko ko siyang tiningnan at lumapit sa kanya para akbayan. "Naglunch ka na ba? Nagugutom na ako eh" napangiti pa ako nang mas lalo siyang sumimangot.

"Tapos libre ko na naman?" pareklamo niyang tanong. Kahit nakasimangot na siya, hindi pansing galit na siya dahil ang malumanay ng boses niya.

"What are friends for?" Pang-aasar ko pa rito at iniliko siya sa direksyon ng canteen.

"Tsk. Friends."

"Hmm may sinasabi ka ba?" Tanong ko rito, I think she's blabbering something.

"Wala, sabi ko nga oo friends tayo. Friends lang"

"Aah.. oo nga. Friends, close friends, super friends, super mega friends!" Masayang tugon ko rito para ngumiti siya at umaliwalas ang mood. Para kasi siyang may regla ngayon, umaattitude na naman. Ever since we became close ay sobrang comfortable ko na sa kanya, para ko na siyang ate.

"Hay ewan sa 'yo" sabi niya't iwinaksi ang braso kong nakapalibot sa kanya.

"'Yong usual kong order ha" pahabol ko naman habang papalapit siya sa counter ng canteen. Nang makahanap ako ng seat namin ay may bumato naman ng bag niya sa upuang hinila ko para makaupo ako. Walang 'yang asungot! Nang tingnan ko naman siya ay sumigaw pa ito ng "yes!" sabay kunyari'y binaril ako gamit ang kamay niya.

"Walang hiya ka muntik na akong matamaan ng bag mo!" Angil ko rito nang makalapit siya. Hinampas ko na rin para magtanda. "May nakausli ka pang kartolina, paano kung natusok ako!?" naaasar ko pang dagdag. Napaka-unpredictable talaga ng taong 'to, iba-iba trip kada araw.

"Edi nabuntis ka" balik asar niya pa sa 'kin at nang hahampasin ko naman siya ay umiwas.

"Swerte mo naman 'di ka tinamaan, birthday mo ba?" naiinis kong sabi rito. Nakakainis hindi tumama sa mukha niya.

"Hindi mo alam birthday ko?!" animo'y gulat nitong tanong, walang sense of humor girl?

"Hindi" pang-aasar ko pa at nakita ang pag-asim ng mukha niya, seseryosohin niya talaga ang biro ko?

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now