Chapter-25

12K 433 49
                                    

*play the song po :)

Alexa

Mahigit dalawang linggo matapos ang engagement party at heto kami ngayon ni Steve at mga magulang namin, nagbibigay ng details about sa kasal. Nasabi na namin ang seating chart at head count. Sa damit na lang kami tatanungin nung stylist, which is my mom's sister, kung anong gusto naming plano.

"So hija, may gusto ka pa bang idagdag?" sabi ni tita matapos kong maibigay ang details ng dream wedding gown ko. I was planning to wear it para sa kasal namin ni Blue pero hindi naman mangyayari 'yon.

"That's enough na po" nakangiti kong tugon.

"Ipapakita ko sa 'yo the day after tomorrow ang nasketch ko base sa details na ibinigay mo and ikaw na bahala kung may suggestions ka pa" I nodded as an answer and kissed her cheeks bago siya umalis sa harap ko. Tumingin naman ako kay Steve na tapos na rin magbigay ng details sa isa sa mga empleyado ng tita ko.

"What's the color of your tux?" agad na tanong ko sa kanya pagkalapit niya sa 'kin.

"Basta sabi ko lang yung mala-tuxedo ni Christian Grey" nakangiti niyang pahayag. Napansin ko naman na hindi maayos ang necktie niya kaya mabilis ko itong hinubad sa kanya.

Kita ko ang gulat sa mata niya pero hinayaan niya lang ako. "I'm sorry, perfectionist kasi ako minsan at ayaw kong nakakakita ng magulong tie" sabi ko habang inaayos na ang necktie niya. Tumawa naman siya at sinabing ok lang. Medyo mabagal ako sa ginagawa ko dahil mas mataas sa 'kin si Steve. Ilang segundo at malapit ko nang maayos ang inaayos ko ay kumalabog naman ng malakas ang pinto na nakakuha ng atensyon ng lahat, including me na nakahawak pa rin sa necktie ni Steve.

"Sorry po, nadulas po ako eh" parang inosenteng bata na paumanhin ni Blue kasama ang kapatid ko. Nagpeace sign pa ito at ngumiti ngunit nawala rin iyon nang madako ang tingin niya sa 'kin... sa 'min ni Steve, bago sa pagkakahawak ko sa necktie nito. Kumunot pa ang noo nito.

"Aray nakagat ako ng langgam..." may himig pang-aasar na sabi nito habang kalmadong naglalakad papunta sa mama niya. "Sa puso..." pahabol pa nito nang madaanan kami. Kumunot naman ang noo ko sa pahabol niya, ano daw kaya 'yon?

Nang maayos ko ang tie ni Steve ay umupo na ako katabi ng magulang ko. Si Clarise naman ay katabi na si Blue ngayon habang kausap ang isang empleyado ni tita. Nasa harap ko sila at kita ko kung paano sila magpalitan ng opinyon at mag-asaran habang kausap ang Wedding and Event Planner para sa karagdagang design ng simbahan at venue para sa reception. Archi daw kasi sila sabi ni tita so baka pwedeng mahingan ng idea para mas maging elegante pa ang design ng most awaited wedding.

"I think dapat maraming flowers, like tulips on every table or may stand na may bouquet nun every edge ng hall or venue" suggestion ni Clarise na agad namang isinulat nung planner.

"Ginawa mo namang tulips garden yung venue. Erase mo 'yan ateng Planner. Sa table and chairs muna tayo, ang pangit ng idea ng mga parents namin" kontra naman ni Blue. Sa isip ko naman ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil tumutulong siya sa kasal ko. Para kasing gustong-gusto niyang ikasal ako pero gusto ko naman yung mga sinasabi niya na makakatulong sa kasal ko. Haaay ang gulo ko!

"Sa table and chairs, I think combination ng white and midnight blue... ate loves Blue, so pwede 'yon" suggestion ulit ni Clarise at napangiti naman ako sa isip ko.

"Haaa? Love ako ng ate mo? Kakilig naman" natatawa-tawang sagot ni Blue at bumaling sa 'kin bago kumindat. Inirapan ko lang ito at napatingin sa pagkakaakbay niya kay Clarise. Nang tumingin ako sa mga mata niya ay nakatuon rin pala ang mga asul na iyon sa 'kin. Ngumisi siya at inilandas ng dahan-dahan ang kamay niya pumaibaba iyon sa beywang ng kapatid ko habang ako ay pigil ang hiningang pinapanuod ang eksenang iyon. Si Clarise naman ay walang kamalay-malay sa ginawang pagpapaselos sa 'kin ni Blue at kausap pa rin ang event planner. Sa isip ko lang ay kung anong gagawin ni Kean kung nakita niya ang ginawa ni Blue...
I just crossed my arms at itinuon sa iba ang atensyon ko kaysa makinig sa usapan nila. Ni tingnan ang Asul na iyon ay hindi ko ginawa hanggang matapos ang ginagawang pagpaplano ng lahat at nagkayayaang magsi-uwian na.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now