Chapter-47

12.3K 352 33
                                    

Alexa

It's been a month since maging maayos ang relasyon namin ni Blue, hindi nagtatago at malaya sa lahat. Aaminin ko may guilt sa 'kin dahil hanggang ngayon ay nagkakandaugaga ang magulang ko kakatrabaho araw-araw at hindi nila kayang itago sa 'kin iyon kahit ilang beses pa silang ngumiti at sabihing ayos lang sila. Pero iniisip ko na lang ang sinabi ni Papa, na wala iyon kung makikita nilang miserable ang buhay ko hanggang huli. Like what Mama added, isipin ko na lang muna ang kasiyahan ko, na ngayon ay nakangiti at cool na cool na papalapit sa 'kin. "What took you so long?" I asked bago humalik sa pisngi niya.

"Nanuod ako ng pustahan sa basketball do'n sa old court ng school" kakamot-kamot siya ng ulo habang ngumingiti ng alanganin. Something's wrong with her, alam ko yung mga ngiti ni Williams kapag nagpapalusot eh.

Tumaas ng kaunti ang kilay ko habang pinagmamasdan ko ang suot niyang damit. "Aah.. eh bakit iba na yang suot mong damit?" panunubok ko pa.

"Eeh wag ka na magtanong.." she pouted like a kid and I nearly say she's cute pero buti at napigilan ko dahil kinakain na ako ng inis sa kanya.

"Panalo o talo?" Nakahalukipkip kong tanong, bago siya tinitigan sa mata.

She seems shocked and her forehead also creased. "Anong sinasabi mo dyan?" maang na tanong niya and even looked away.

I just exhaled lahat ng inis ko at pinilit kumalma. "You know what I'm talking about Williams"

I heard a sigh of defeat from her. "I just missed playing, I'm sorry love" muntik pa ako mapasandal sa harap ng kotse ko nang bigla niya akong yakapin. Mga style talaga ng taong 'to eh.

Humiwalay ako sa kanya ng kaunti at kunwari'y inayos ang collar ng damit niya. "Do'n na tayo sa miss mo nang maglaro, but it's not right to lie with me Blue. Pwede ka namang magp-"

"Hindi ka naman papayag" pagputol niya sa 'kin at kinuha ang dalawang kamay ko't nilagay sa mukha niya. I just mentally rolled my eyes, sanay na sanay talaga 'tong Williams na 'tong mangunsensya ng iba at ginamit na naman sa 'kin. "Let's have an agreement na lang.." she looked at me biglang nagpapaawa. Itinaas ko naman ang isang kilay ko para magpatuloy siya sa gustong sabihin. "Thrice in a month pwede akong maglaro"

"Once" tipid kong sagot at lumayo ng kaunti dahil nasusuffocate na ako sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

"Thrice" ganti niya rin na ikinaikot ng mata ko.

"No" sukat do'n ay para siyang batang nagmaktol at parang iiyak na. Kung sa ibang pagkakataon ay matatawa ako't maaawa, ngayon naman ay hindi dahil nadala na 'ko sa mga bruises niya dahil sa paglalaro ng basketball kila Gray.

"Love, ayoko ng isang beses lang" pagmamakaawa niya, I admit she's cute.. or nagpapacute lang? But then again hindi ako kumbinsido. "How about twice?" suggest niya pa kahit nakasimangot.

"I'll think about it" sabi ko na lang bago hinila siya papasok ng sasakyan dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan.

"Love, decide now na please" patuloy na pangungulit niya sa 'kin habang busy akong punasan ang sarili ko. Inuna ko talagang ipasok si Blue sa kotse dahil sa 'ming dalawa ay siya ang madaling magkasakit.

"Oh sige basta wag mo muna akong titigan ng ganyan, wala ako sa mood ngayon dahil sa pagsisinungaling mo" I saw how she licked her bottom lip and played with her fingers. Kala niya siguro hindi ako aware sa ipinupukaw niyang titig sa 'kin. Blue talaga, ang naughty!

Loving The Cold Blue (GxG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora