Chapter-40

9.9K 384 72
                                    

Blue

"May nangyari sa 'tin?" Megan just smiled at me at tinulungan agad akong bumangon.

"You passed out" eksaheradang umirap siya sa 'kin then mouthed bwisit.

"Bitin?" pang-aasar ko kahit mabigat ang loob ko.

"tse! Tara na nga sa baba, nakapagluto na kami ni Liz" tumango ako bago nagpaalam na susunod ako. Agad akong tumayo mula sa kama ng guest room ng bahay ni Gray at pumasok sa banyo dala ang isang navy blue na towel.

Matapos maghilamos ay pinakatitigan ko ang itsura ko sa salamin. Wala itong pinagbago sa mukha ko noon nang iwan ako ni Stella.

"Okay lang 'yan Blue, pogi ka pa rin naman" ngumiti ako ng pilit at yumuko habang paulit-ulit na nagecho ang sinabi ko sa utak ko. "Pero kahit pogi ka, wala na siya" napanganga ako at napaayos ng panga kasabay ng pagpunas ko sa nangingilid kong luha. Naghilamos akong muli at nang mapakiramdamang okay na 'ko'y lumabas na 'ko ng banyo.

Bumaba akong bihis na at sinaluhan ang mga kaibigan kong nasa dining table. "Si Gray?" tanong ko nang mapansing wala si Gray.

"Pumunta daw sa girlfriend niya kagabi" si Megan ang sumagot kasabay ng paglagay niya sa plato ko ng pagkain. Nang matapos kumain ay umalis na 'ko kasama si Megan.

"Sa'n tayo?"

"Sa kotse mo" pilosopong sagot nito kaya napaarko ang isa kong kilay. "Masyado ka namang seryoso. Mabuti pa, umuwi ka muna at matulog. Kasi ako, may importanteng lakad" tumango ako sa sinabi niya, kahit ayaw kong umuwi sa 'min ay kailangan naman dahil inaantok ako.

"Ingat sa pagdrive" humalik muna sa pisngi ko si Megan bago bumaba ng sasakyan.

-

Kinagabihan ay nagising ako sa tunog na nagmumula sa phone ko. Agad ko itong sinagot after seeing the name of the caller.

"Ano yun Lei?"

"Chill daw tayo sabi ni Stella" sabi nito sa kabilang linya at kung 'di ako nagkakamali ay nagdadrive ito.

"Sa usual?" inaantok ko pang tanong.

"Yep, bilisan mo. Malapit na kami"

Kahit nakainom na 'ko kagabi ay pumayag pa rin ako. Wala naman akong ibang kakampi maliban sa mga kaibigan ko kundi alak at.. weeds.

"Aalis ka na naman?" agad na tanong ni papa nang makita akong pababa ng hagdan. Hindi ko siya pinansin at nagdiretso lang hanggang makalabas ng pinto. Naiinis ako sa kanya, sa lahat ng tao sa bahay. Wala silang ibang sinabi kundi lumayo ako kay Alexa dahil hindi tama.

Mabilis ko na lang pinatakbo ang sasakyan. Sumalubong sa 'kin ang maingay at mausok na bar na lagi naming tambayan nila Lei. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa 'kin, some of them ay nagbulungan pa. Siguro ay dahil sa balitang tanggal na 'ko sa basketball team ng school.

Maya-maya'y may lumapit sa 'king lalaki.. no, babae pala na mukhang lalaki. "Balita ko tanggal ka na sa team niyo, sayang hindi na kita makakaharap sa court. Hindi ko makikita yung yabang mo" mayabang na sabi nito at ngumisi pa sa 'kin matapos mapa-woah ang mga kasama niya. Base sa mukha nito ay bata pa, never ko pa rin siyang nakita sa court, rookie siguro.

Ngumisi rin ako at hinulog ang cigarette butt ng sigarilyo ko sa sahig. "Yaan mo na, baka kasi kapag nakaharap mo 'ko... mabalian ka, sayang hangin mo" mas lalong lumawak ang ngisi ko nang makita ang face expression niya. Kay bata-bata pa, ang yabang na.

Dumiretso agad ako kila Lei nang makita ang mga ito.

"Bakit parang malungkot ka?" tanong ko agad kay Stella nang tumabi ako rito.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now