Chapter-12

14K 420 44
                                    

Alexa

Half an hour passed since maihatid ako ni Blue dito sa bahay, pero wala pa rin akong text na natatanggap sa kanya kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano. Bilin ko kasi after niya akong ihatid ay magtext siya if she's home na and hindi rin naman kalayuan ang bahay nila sa 'min kaya nakakapagtakang hindi pa nagtetext yun. Baka mamaya may nangyari na dun.

'Haays Alexa stop overthinking baka natraffic lang yun' I just told myself, tryin' to be calm but heck! Wala namang traffic sa oras na 'to!

I just think nalang kung anong pwede kong gawin dahil mukhang masisiraan ako ng ulo sa pag-aalala. I can't blame myself rin kung bakit ako nag-aalala ng ganito. I had a bad dream kasi last night, about a car accident and kakulay nung car ni Blue 'yung car sa dream ko. I just wish na sana hanggang dream lang yun.

Naisipan ko nalang magluto para sa breakfast ni Clarise, ilang araw na rin kasi na puro sandwich nalang ang kinakain niya sa umaga and hindi iyon healthy. After ko maiprepare yung ingredients para sa fav pork adobo ko ay in-open ko na yung stove and start to sauté the ingredients. Nang maluto ay saktong kakababa lang ni Clarise, she greeted me good morning with a smile and iiling-iling lang ako dahil quarter to eleven na.

Nagprepare ako ng rice and utensils sa lamesa and nang lalagyan ko na ng rice yung plato ni Clarise ay di ko sinasadyang matabig yung baso sa gilid ko.

Si Clarise naman ay yumuko para pulutin yung mga basag na parte kaya napahinga ako ng malalim baka mamaya magkasugat siya "Clarise don't pick it up" I said with a stern voice but she didn't listen and just continue "I said don't!" napasigaw na ako at walang pasensya na kumuha ng tissue at lumapit sa kanya "sabi ko naman kasi sa 'yo wag na eh" naiinis na sabi ko habang dahan-dahang pinupunasan yung nasugatan niyang daliri.

"Sorry ate" sabi niya at lumabi sa 'kin habang hinihipan ko yung daliri niya.

Napahinga nalang ako ng malalim at binalot ng tissue ang daliri niya "sa susunod makikinig ka sa 'kin ha? Tingnan mo nangyare" tumango lang siya sa 'kin at binitiwan ko na rin ang kamay niya. "Maghugas ka muna" agad siyang tumayo at pumuntang sink saka in-open yung gripo tinapon niya rin yung tissue na mayroong mga dugo bago naghugas. Ako naman ay may naalala kaya dali-dali akong nagtungo kung nasaan yung phone ko. I found it sa sala at in-open kung mayroon na bang message si Blue pero wala pa rin kaya binalot ng kaba ang aking sistema. Gosh!

I was about to throw my phone dahil sa inis when it suddenly ring, I saw her name sa screen at walang segundo na akong sinayang para sagutin ito.

"Just got home po" I glanced at the clock and unconsciously na napahilot  sa noo ko at huminga ng malalim. 1 hour and 13 minutes siya bago nakauwi.

"Bakit ngayon lang? Kanina mo pa ako naihatid diba?" Naiiritang sabi ko. She can't blame if i'm acting like her girlfriend, sadyang nag-alala lang talaga ako sa kanya.

"I'm sorry" she said on the other line, she seems bored while talking to me kaya mas lalo pang nag-init ang ulo ko.

"sorry huh? Alam mo bang nag-alala ako? Malay ko ba kung napano ka na dahil sa tagal mong iinform sa 'kin nakauwi ka na" she doesn't know what I feel kasi. I just can't help myself kasi na mag-alala lalo nang may mabasag akong baso, it seems like it's a sign na nagfufuel pa sa bad dream ko na maging totoo. Napapahid nalang tuloy ako ng luha habang paupo sa couch. I even distance the phone in my ears para hindi niya marinig yung pagsinghot ko. Bakit ba kasi pagdating sa kanya eh ang hina hina ko. I've never been this weak for someone before, wala sa mga exes ko na naging ganito ako, na napaparanoid ako for caring too much.

"Alexa? Alexa are you still there?" rinig ko from the other line kaya inilapit ko na ulit yung phone sa tainga ko. "Yes" tipid kong sagot.

"I'm sorry na... galing kasi akong bookstore to buy some books for Kate as birthday gift. I'm safe okay? Malaki na ako, I can take care of myself na po" malambing niyang sabi kaya medyo gumaan na ang kalooban ko.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now