Chapter-31

10.8K 419 20
                                    

Alexa

Maluha-luha akong naglalakad pabalik ng unit ko. Sa isip ko ay siguro mukha ako na akong tanga na kagat labi para hindi mapahagulgol at tulala. Ni hindi ko nga naiisip na naglalakad ako, it seems like my feet have their own minds.

You're so stupid Alexa! Bulyaw ng isip ko sa 'kin, naiisip ko kasi ang pagsampal ko sa kanya kanina. Dapat ay hindi ko siya sinaktan physically dahil hindi naman totoo ang bintang niya sa 'kin. Nagiguilty pa ako dahil bago siya pumasok ng elevator ay hinilot niya ang pisnging nasampal ko.

"Sapphire" rinig kong may mga hakbang na sumusunod sa 'kin pero wala naman akong lakas para lingunin iyon. Si Blue lang ang naiisip ko sa puntong ito. "Hey.." ramdam kong ipinihit niya ako, dahilan para mapabalik ako sa sarili. "Gosh, why are you crying? Did that demon hurt you?" pinupunasan niya ng thumb niya ang mga luha ko nang masampal ko siya dahil sa sinabi niya.

"She's not a demon" mariing sabi ko ngunit bagkus makipagtalo pa sa 'kin ay niyakap niya ako while saying sorry ng paulit-ulit.

"I'm sorry.." huling sabi niya at tumango lang ako. Feel ko kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi kami kumikibo nang makapasok kami sa unit ko. Binigyan niya rin ako ng tubig at hinagod-hagod ang likod ko. "Are you okay na?" tanong niya pa.

"I'm okay, Jesse" sabi ko nang mailapag ang baso sa center table. "I think you should leave na" sabi ko nang makahinga na ako ng maluwag. Kanina kasi ay hirap na hirap ako dahil sa pag-iisip kung paano na naman kami magkakaayos ni Blue.

"What? Don't you want me to stay? If you let me Sapphire, aalagaan kita hanggang maging mas okay ka na" ramdam ko kung gaano siya kaconcern sa 'kin, hindi naman na ito bago dahil before siya maging busy sa work at magpalipat-lipat ng bansa ay ganyan na talaga siya pati sa mga friends ko.

"It's not that I don't want you to stay.. but I wanna be alone, sana maintindihan mo" tumango-tango siya at ngumiti sa 'kin na parang naiintindihan niya ako. Tumayo na rin siya at maya-maya pa ay nagpaalam na.

Ilang saglit ay naging sobrang tahimik ang unit ko. May mga nagbabadyang na namang luha dahil sa guilt ko pero agad ko na itong pinunasan at mahihiga na sana para umidlip nang may tumawag naman, Si tita.

"Hello?" pagsagot ko rito.

"Alexa, tapos na ang gown mo. Do you want to check it para kung may gusto kang idagdag ay magawa na natin?" magtataka pa sana ako dahil parang ang bilis naman nilang nagawa ang wedding gown ko nang mahagip ng mata ko ang kalendaryo. Isang buwan at isang linggo na lang pala ay Mrs. Williams na ako. Ang bilis lang ng panahon, parang kahapon lang ay pachill-chill pa ako sa braso ni Blue, feel na feel ko pa ang yakap niya pero ngayon ay parang magbibilang na lang ako ng sampu and boom! wala na si Blue dahil ang agreement namin ay hanggang bago kami ikasal ni Steve.

"Hija?"

"Uhm.. yes tita. Pupunta na lang po ako dyan" natataranta kong sagot at agad na tumayo papuntang banyo.

"Okay, kailangan mo rin talaga para sa fitting nito"

"Okay po tita. Thank you po" naligo na ako at nang matapos ay agad na nagbihis.

Kahit hindi pa ako okay ay isinantabi ko muna lahat ng iniisip ko. Ayaw ko kong usisain ni tita kapag nahalata niyang may problema ko.

Nang makarating sa main branch nila ay agad akong binati ng mga staffs rito, ngumiti na lang ako dahil nakita ko na si tita na may hawak na folder na nakatingin sa 'kin, baka mamaya ay mahalata niya ang dinadala ko, malintikan na.

"Come here, Alexa" ibinigay niya ang folder sa secretary niya and lead me sa isang room. Nang maibigay ng isang staff niya ang gown ko ay hinubad ko na rin ang blouse ko, tinulungan naman nila akong ifit iyon.

Loving The Cold Blue (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon