Chapter-14

13.8K 352 49
                                    

Alexa

"I'll pick you up tomorrow or ikaw nalang pupunta sa bahay?" nakangiting sabi ni Steve pagkabukas niya sa 'kin ng pintuan ng kotse niya.

"No. Ako nalang pupunta para di ka mapagod. Kaya ko naman eh" tanggi ko. Nakakailang kasi kapag sinusundo niya ako, tapos kapag nasa kotse naman ay hindi rin kami gaano nag-uusap. Unlike na kapag nakasakay ako sa kotse ni Blue ay ang ingay namin dahil sa pag-aasaran.

Ngumiti lang sa 'kin si Steve at saka tumango. "Pumasok ka na Sapphire. Baka mahamugan ka" bilin niya sa 'kin. Ang sweet niya rin talaga, tipong hindi siya nagpipilit kundi yun talaga ang ugali niya. Gentleman rin, di kagaya ng kapatid niya.

Nagpaalam muna ako sa kanya bago pumasok ng bahay. Nadatnan ko pa si Clarise na ngingiti-ngiti kaharap ang phone niya kaya napailing na lang ako. "Sana magbreak na sila ni Laurel" sabi ko sa sarili dahil di man lang niya ako pinansin nang makapasok ako tsaka... naiingit ako sa kanila. Yun talaga yun eh.

Nang makarating sa kusina ay binuksan ko agad ang ref saka kumuha ng malamig na tubig para inumin. Napansin naman ako ni Clarise at bakas pa sa mga mata nito ang saya.

"Andyan ka na pala ate. Musta date niyo ni kuya Steve?" may pang-aasar ang himig nito so I just rolled my eyes, trying to forget what happened earlier. Kanina kasi ay natawag ko siyang Blue dahil may pagkakahawig nga sila at iniisip kong yung kapatid niya ang kadate ko. Medyo awkward tuloy pero nabawi din namin yung light atmosphere at natuloy yun sa biruan.

"Hmm good" tipid kong sagot at parang hindi naman kumbinsido yung isa at nag-usisa pa.

"Ay good lang? Wala man lang kakilig-kilig? Ano ka ate galing sa lamay?" sunod-sunod na tanong niya. Grabe naman 'tong kapatid ko, kala niya siguro ay nasa press con kami.

"Haynaku Clarise nilalagkit na ako at pagod na rin. Kwento nalang ako next time" pumunta ako kung san siya nakaupo and kissed her before going to my room. Sa dami naming napagkwentuhan ni Steve at lakad dahil sa pagfufoodtrip ay talagang napagod at nanlagkit ako dahil sa pawis. Di na nga namin naalala na may kotse pala siya dahil sa dami naming nadaanan na kainan. Mostly restaurants kaya ang ending ay sumakay nalang kami ng taxi papunta kung san siya nagpark dahil nga napalayo na kami rito.

Pagkatapos kong makalabas sa banyo ay kinuha ko ang phone mula sa pouch bag na gamit ko kanina. I forgot to charge it habang naliligo ako kaya kinuha ko rin ang charger mula sa drawer ko at pinlug ito. Nang umilaw ang phone ko dahil sa pagkakasaksak ay nakita ko na ang raming missed calls. I checked the call log and lahat iyon kay Blue. Bakit napatawag nanaman 'to?

Wala na 'kong nagawa kaya tinanggal ko ang pagkakasaksak ng charger sa phone ko and dialed her number. Ilang rings pa lang ay sinagot na niya 'to.

"Hey I'm sorry. Nagbabad kasi ako thub kanina" hingi ko ng paumanhin rito. Baka kasi ay magtampo siya eh.

"Hindi ka nanaman pumasok" ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses, wala naman akong masasabi sa kanya kundi sorry nanaman. Ilang araw na kasi akong hindi pumapasok, I lost count 'cause medyo matagal na rin. Sa tantya ko kasi ay hindi ko pa kayang magfocus sa school dahil sa balita ni dad nakaraan. Gusto kasi ng mga Williams na madaliin ang kasal, ewan ba at parang hindi sila makapaghintay na akala mo ay tatakas ako. Bakit hindi ba?

Whatever!

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "I'm sorry Blue. Dahil tuloy sa 'kin ang lungkot mo. Namimiss na rin kita" pang-aasar ko sa kanya at tumawa para hindi niya mahalatang nalulungkot ako.

"Ang kapal mo. Malungkot lang naman ako kasi walang nanlilibre sa 'kin" balik asar niya rin at tumawa. Tuwing tatawag siya sa 'kin ng ganitong oras ay binubully niya lang ako at sasabihing pumasok na ako para sa future hotel ko.

Loving The Cold Blue (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon