Chapter-42

10.6K 363 67
                                    

Alexa

Simula nang magising ako ay wala na 'kong ginawa kundi tumitig sa kisame ng kwarto. I tried to escape pero nawala naman ang pag-asa ko nang makita ang walang katapusang tanawin ng dagat, pagtalikod ko pa sa bahay ay ang nakangising babae naman ang naabutan kong pinagmamasdan ako. Makailang ulit ko siyang tinanong kung sino siya pero hindi naman sumasagot.

"Aaah!" nababagot na sigaw ko, umecho pa ito sa buong kwarto pero alam ko namang wala ring makakatulong sa 'kin.

Sa katahimikang namayani ay kung anu-ano nang pumapasok sa isipan ko. Ano na kayang ginagawa ng pamilya ko, kung okay lang kaya sila, at higit sa lahat, sino namang magtatangka dumakip sa 'kin. Napatigil lang ako sa pag-iisip nang may kumatok at magbukas ng pinto.

"Handa na ang pagkain" pormal na sabi nito at gaya ng nakagawian ko simula kahapon ay tinitigan ko lang ito.

"Sino ka ba kasi? Anong kailangan mo sa 'kin? Hindi mo ba alam na sinira mo ang kasal ko?" sunod-sunod na tanong ko na may halong inis. Ngunit gaya nga ng sagot nito, isang talikod lang ang natanggap ko. "Don't turn your back on me!" bulyaw ko rito at tumayo sa kama.

"Kung ayaw mo kumain, hindi kita pipilitin" malamig na tugon nito imbes na sagutin ako. Napapikit na lang ako ng mariin nang marinig ang pagbukas at pagsarado ng pinto.

Gooosh mababaliw na 'ko rito. Ni wala akong clue kung sinong pwedeng gumawa nito, alam ko namang hindi si Blue dahil ang sabi niya ay maghihintay siya, yun pa, eh napakaduwag no'n. Kahit itry niya man lang muna na ipaglaban ako, hindi niya ginawa at mayayari rin siya sa 'kin kung siya man ang may pakana nito, hindi niya man lang naisip na kailangan pa 'ko pamilya ko. Oh bakit ikaw naisip mo ba yun? Panggulo ng isip ko. Nagising na 'ko! Kumbinsi ko sa sarili.

Ilang saglit lang ay nagpasya akong humiga ulit. Kinuha ko ang apple sa plato na nakalapag sa bedside table at tinitigan ito. Thinking kahit gaano kapula at kaakit-akit sa paningin ko ang mansanas na nasa harap ko ay hindi ko magawang kagatin. Naisip ko tuloy, am I not that pretty para kay Blue? Hindi ba ako gano'n ka maalaga para bitiwan niya na lang?

Sa kawalan ng makuhang sagot sa isip ko, my tears started to fall down from my eyes. Kahit isang try lang para malaman niya sarili niya kung kaya niya ba talaga akong ipaglaban hindi niya nagawa, ang dali sa kanya ng lahat. Tapos ang kapal pa ng mukhang sabihing hihintayin niya 'ko eh may girlfriend na siya. Kapag ako talaga nakatakas dito, makikita niya kung sinong iniwan niya. I wiped the corner of my eyes nang wala nang lumabas na luha mula rito, hindi ko na rin inabala pang tumayo para pumuntang dining table dahil wala naman akong ganang kumain.

"Bukas po iyan" rinig kong sabi ng babaeng pumasok rito kanina, may kausap ba ito? Nagtataka akong tumingin sa pinto at saka bumangon mula sa pagkakahiga.

Sakto ng maiayos ko ang sarili ko ay kakabukas lang ng pinto. Para pa akong nasilaw nang pumasok ito dahil medyo madilim ang kwarto kung nasaan ako at kapag binuksan ang pinto ay may papasok na liwanag.
"Hindi ka daw kumakain" sunod-sunod akong napalunok ng maregcognize ko ang boses nito. Nang mag-angat ako ng tingin ay para naman akong natunaw sa pagkakatitig nito sa 'kin, my pulse rate also increase. "Love" Williams?

Pero imbes na tuwa ang maramdaman ko ay binalot naman ang kalooban ko ng inis. Ano yun, kung kailan siya ready ay basta-basta niya na lang sisirain ang lahat ng naiisip ko para sa 'kin at sa lahat? This girl is unbelievable, pagkatapos niya kong bitiwan at magpaalam, ngayon naman ay nandito siya sa harap ko.

"Lumayo ka sa 'kin" mariin kong sabi nang makita siyang papalapit sa 'kin.

"Look, andito na 'ko hindi na kita pababayaan" wika pa nito at hinila ako patayo.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now