Chapter-13

13.1K 391 26
                                    

Blue

Ilang gabi na rin akong kulang sa tulog kakagawa ng plates and now
hihikab-hikab akong naglalakad habang dala ang kapeng nakastyro.

Habang papunta sa building ng room ko ay may bigla namang tumawag sa 'kin mula sa likod. "Ellise" parang bigla naman akong nagising nang makilala kung kaninong boses iyon.

Nakangiti akong humarap rito at binati siya. "Good morning Stella" ngumiti rin siya sa 'kin bilang tugon saka sumabay sa 'kin sa paglalakad. "You look good today" sabi ko at tiningnan siya sa mga mata, na-conscious naman siya kaya napaiwas siya ng tingin sa 'kin.

"Thanks" tipid na sabi niya lang at saka humikab. "Oh sa 'yo na 'to" alok ko sa kanya ng kanina ko pa pinalalamig na kape ko pero tinanggihan niya lang. "Mas kailangan mo yan" sabi niya pa kaya tumahimik na lang rin ako. Tama nga naman kasi siya.

"Nga pala gusto ko lang ibalik 'tong panyo mo" she said and smiled then  took out a hanky from her bag and gave it to me. Tinanggap ko naman ito at nilagay sa back pocket ko. Sa pagkakaalam ko ay 'yon yung panyong pinahiram ko sa kanya matapos matapon yung juice niya nung nagkekwentuhan kami nung isang araw.

Di ko man inaasahan ay makakasalubong pala namin si Alexa. "Good morning" nakangiting bati ko rito nang magkalapit kami. I also kissed her right cheek. "Ang bango" sabi ko sa sarili ko matapos maamoy ang strawberry scent niya. "Bakit parang palabas ka ng school?" Tanong ko pa sa kanya. Nakatingin siya sa kasama ko at ilang saglit pa'y itinuon na rin sa 'kin ang atensyon.

"Hmm... may dadaanan lang ako sa labas. Sige na I have to go. Bye" nagmamadaling paalam nito at wala na rin akong nagawa para pigilan at tanungin pa sana kung san siya papunta.

"Hmm.. close kayo ano?" pagsisimula niya ulit ng usapan.

"Alexa, Steve's soon to be fianceé" I saw hurt in her eyes kaya nagsorry rin ako agad. Nasaktan rin naman ako nang makita ko yung lungkot niya kanina pero pinalakas ko na lang ang loob ko at nagsalita muli. "Well she's my friend" I also smiled to bring back our light atmosphere awhile ago and I can say na nagtagumpay ako.

"Di mo ba siya type?" usisa niya at napatawa naman ako. Wala sa mukha at tono niya ang nagsiselos at pawang kyuryosidad lang.

"Hindi, bakit mo naman natanong?" I admit, Alexa's girlfriend material. Pero di pumasok sa isip ko na magiging girlfriend ko siya. Kay Stella pa rin naman kasi ako eh.

Mukhang di naman naniniwala sa 'kin si Stella. "Bagay kaya kayo" "nang-aasar ba 'to?" Sakit kaya ng sinabi niya.

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ko rito at tumingin sa kanya saglit bago itinuon ang tingin sa daan. Malayo pa pala kami sa building namin.

"Pag nakikita ko kasi kayong magkasama, ang saya saya ng mga mata mo" seryosong tugon niya at napatawa ulit ako.

I admit, I admire Alexa dahil pasado siya sa standards ko. She has my respect and komportable ako when she's around and again... di ko maisip na magkarelasyon kami. Tsaka... malapit na ang engagement party nila kaya di ko talaga naiisip ang bagay na yun.

Pero may bigla naman pumasok sa isipan ko. Di kaya... "Stella are you doing this para mapasayo ulit si Steve?" lakas loob na tanong ko sa kanya.

"What are you saying?" takang tanong niya naman.

Huminga ako ng malalim bago inilahad ang suspetsa ko. "Itinutulak mo ako kay Alexa para kapag may mamagitan sa 'min ay matitigil yung engagement nila"

Tumigil siya sa paglalakad at ganun rin ako. "No. Wala yan sa isip ko. What I mean is... I think, nakikita ko yung dating Ellise kapag magkasama kayo" makahulugang sabi niya at naguluhan naman ako. Dati? "Simula kasi maghiwalay tayo hindi ko na nakita yung totoong ngiti mo" parang sinagot niya naman ang tanong sa isipan ko kanina. Napailing lang ako sa kanya. Kay aga-aga kung anu-anong sinasabi. Siya naman kasi dahilan kung bakit ganun eh.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now