Chapter-15

15.4K 410 41
                                    

Alexa

Kasalukuyang nag-iisip ako kung lalabas na ba ako ng sasakyan ko dito sa parking lot o hindi pa. Baka kasi mapagalitan ako ng mga instructors ko dahil sa daming ng absences ko, kahit naman queen B ako sa eskwelahang 'to ay may respeto naman ako sa mga guro.

I filled my lung with air first and exhale it like there's no tomorrow, ewan pero kinakabahan ako at baka hindi rin ako makapagfocus sa mga gagawin mamaya.

Nang buo na ang loob ko at feeling ko ay kaya ko na ay lumabas na rin ako sa sasakyan. Wala pa akong sampung metro sa mula sa sasakyan ko eh may galit na galit namang babae na tinawag si Blue na kakalabas rin lang ng auto niya.

"Ellise! Walangya ka talaga!"

"Good morning Stella" bati ng isa rito na hindi inalintana ang galit sa mukha ni Stella.

"Anong good sa morning ko eh winalangya mo ako! Halika dito mapapatay kita!" nanggigil si Stella habang papalapit kay Blue kaya nagtago muna ako sa likod ng isang SUV at pinanood sila.

"Aray naman hon! Ano bang problema mo? ---nasasaktan ako" iwas ni Blue nang simulan siyang hatawin ni Stella gamit ang bag nito, she even punched her at todo iwas naman ang isa.

"Hon? Hon - honin mo mukha mo! akala ko kaibigan kita!" pagpapatuloy ni Stella sa ginagawa niya at mukhang napikon naman si Blue kaua hinawakan niya na ito sa magkabilang braso. Pareho silang hinihingal ngayon at aaminin kong ang sweet nilang tignan. Para silang couple na nag-aaway, hindi maikakailang nung sila pa ay bagay na bagay sila.

"Ano bang nagawa ko?" tanong ni Blue na hinihingal pa rin at hawak ang magkabilang braso nung isa. Ako dito lang, nanunuod pa rin. Kailan pa ba ako naging tsismosa?

"Anong nagawa mo?! Tinatanong mo pa 'yan? Pagkatapos mong sabihin kay Steve na may nangyari sa 'tin! Tarantado ka pa rin talaga!" himutok ni Stella saka pilit na kumawala kay Blue. Tiningnan lang siya ni Blue saka tumawa ng malakas na nakahawak pa sa tummy nito. Walangya nga talaga.

"Hahaha!---" malakas na tawa nung isa, natigilan din si Stella sa inakto nito pero nang makabawi ay pinaghahampas uli nito ng bag si Blue. "Look, I didn't told him na may nangyari sa 'tin okay? Haha-- gi-green minded lang talaga siya" pagpapaliwanag nung huli. Nagpasya na rin akong umalis dahil wala naman akong makukuhang importante sa usapan nila. Mamaya ay magka-ayos rin sila agad at magyakapan. Hindi ko yata kayang makita yun.

Nang makarating sa room namin ay agad kong ibinigay sa instructor ang excuse letter ko. Nang mabasa niya iyon ay nagsign lang siyang okay na at bibigyan nalang daw ako ng gagawin para mabawi yung points na nawala sa 'kin.

Nang makaupo sa upuan ko ay kinalabit naman ako ni Ericka. "Why?" Takang tanong ko rito.

"Namiss ka namin kaya manlibre ka" nakalabing sabi nito kaya napairap ako ng mata.

I twitched my lips first, kunwari nag-iisip akong tumingin sa itaas saka itinuon sa kanya ang atensyon ko.

"Sapphire" nakalabing banggit niya sa pangalan ko. Tumango na lang ako ng dalawang beses. Kay yaman yaman ng dalawang 'to eh nagpapalibre pa sa 'kin.

They silently muttered yes saka kunwaring may sinusuntok sa hangin kaya nabaling ang atensyon ng prof sa kanila. Sinamaan sila nito ng tingin kaya umayos sila ng upo at nagpeace sign pa talaga. Mga sira.

Nang magring ang bell, sign na lunch na. Agad akong hinila nila Janice papunta sa isang resto para kumain. Since libre ko nga daw ay binigay ko sa kanilang dalawa ang wallet ko kaya nang makabalik sila ay may kasama na silang crew dala ang dalawang tray of foods maliban pa sa dala nilang dalawa.

Loving The Cold Blue (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon