CHAPTER-4

16.8K 513 51
                                    

Blue

"Oy ano bang oras pasok mo?" I asked my younger sister while walking down the stairs.

"8 am" she simply said and took a bite on her banana.

"8 am pala tapos di ka pa bihis, kumilos ka na nga naiirita ako sa pagmumukha mo" ikaw ba naman makakita ng babaeng gulo gulo ang buhok at nakapanjamas pa.

"Oo na, eto naman napakasungit" and then she mumbled something I didn't understand.

"Hoy may sinasabi ka?"

"Wala, ligo na'ko"

Naiinis akong naupo sa couch, knowing my sister, she's super bagal kumilos.

"10 minutes and pag wala ka pa, maglalakad ka talaga palabas ng subdivision" sigaw ko sabay off ng tv, ayaw ko ng maingay sa umaga.

"Pwedeng paextend?" Hirit niya na nakadungaw sa pinto.

"2 minutes" I said.

Maya maya lang rin ay bumaba na siya. Kainis tong babaeng toh, sinulit talaga yung 12 minutes niya.

"Look ate, di ko pa nacurl yung buhok ko, ikaw kasi" pag-iinarte niya at pinapakita pa yung brown niyang buhok.

"Ano ngayon? Tara na!"

"Aaarrh! Nakakaasar ka!"

---

"Umuwi ka agad aah?"

"May project kami eh"

"Edi bayaan mo yung leader niyong gumawa. Magbayad ka nalang ganun naman yun lagi eh"

Asar siyang bumaba ng kotse ko saka naglakad papuntang gate ng school niya.

Nagdrive nalang ako papuntang school ko, di na ako nakapagbreakfast dahil di ko trip yung ulam sa bahay.

"Hi Blue, good morning" bati ng alien na student. Gosh! Why are they allowing an alien here? Di ba dapat nasa area51 yun?

"What's good if your face isn't?" I just said and pass at her. Aga aga may pakalat kalat na taga outer space.

Palakad na sana ako ng marinig ko naman ang pamilyar na boses.

I look at my side then found her laughing with her friends, siguro kung lagi ko siyang makikitang ganyan sa umaga ay good mood ako lagi.

Ang ganda talaga ng Stella ko, I told myself and stare at her, intently.

"Oh, hi Blue" bati sakin ng kasama niya kaya napatigil siya sa pagtawa at napatingin sakin.

"Ha-uhm... Hi" nahihiya kong sabi pero nakatingin naman ako kay Stella, pero umiwas siya kaya napatingin naman ako sa kasama niyang tumawag sakin at ngumiti ng pilit.

"Una na ako" sabi ko nalang at tumalikod na. Ilang hakbang din bago ko pinunasan yung corner ng mata ko na mainit na.

Ilang taon na bang lagi akong ganito katanga sa kanya?

Kaya minsan mas gusto ko nalang siyang pagmasdan sa malayo kesa nakakasalubong ko siya.

It hurts to see how she looked away when she knows that I'm in front of her, it hurts to see how she doesn't even utter a word as a responce when I greet her.

But still, di pa rin ako susuko. Wala na sila ni kuya kaya alam kong mapapasakin siya uli. Dahan dahan muna at ita-timing ko lang.

Lumakad nalang ako papuntang canteen, kahit naman may di magandang nangyari ngayong umaga ay kailangan ko paring kumain, di niya naman dala yung ulam ko eh tsaka sanay na akong ma-ignore niya. Sanay na sanay.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now