Chapter-18

13.1K 328 62
                                    

Alexa

"wag na wag mong sasabihin 'yang feelings mo kay Blue" takang napatingin ako kay Steve nang itigil niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. "You love her, right?" parang nalulungkot siyang tumitig pabalik sa 'kin habang naghihintay ng isasagot ko.

"No haha, wag ka nga gumawa ng kwento dyan" I forced a laugh to calm myself pero mukhang hindi naman siya kumbinsido sa sagot ko.

"You can't fool me Sapphire. I saw how you look at them awhile ago or should I say... how you look at my sister" mukhang wala na akong kawala sa mga titig niyang tila nang-aasar at pinapasuko ako. Parang si Blue rin siya minsan.

I sighed in defeat as tears starts pool in my eyes, nagbabadyang tumulo. "Matagal na" at di nga ako binigo ng mga luha ko, para silang nasa race. Nag-uunahan.

"I'm sorry kung nasa ganito kang sitwasyon. Hindi ko rin naman kasi kayang humindi dahil tradisyon na 'to ng pamilya namin, at dahil panganay ako ay kailangan ko sumunod" paghingi niya ng paumanhin. It's funny how we got stuck in the same situation. Pero sa 'kin ay may iba pa palang dahilan. May ganun ding tradisyon sa pamilya namin pero nalaman ko last week na baon kami sa utang sa mga Williams. At first, nabigla ako at nagalit kay dad, halos gusto kong lumayas sa bahay pero naisip ko sila... specially si Clarise. Hindi siya sanay sa hirap. And nung makita ko si dad na helpless at ako na lang ang chance niya ay humupa rin ang galit ko at niyakap siya. After all inaasahan ko rin na wala akong karapatang pumili kung sino ang gusto kong makasama. 

"Hindi mo pala alam ang utang ng family ko sa inyo" nakayuko kong sabi. Inaasahan ko na ang galit niya pero hinawakan niya lang ang kamay ko, para icomfort ako.

"Alam ko yun. Pero wala pa rin naman akong magagawa, dad will disown me and ipapasa niya lahat kay Blue" rinig ko ang mabibigat niyang paghinga nang bawiin niya ang kamay niya sa 'kin. Ako naman ay tumingin sa kanya, tsini-check ko kung ayaw niyang mapunta kay Blue lahat dahil sa pansarili niya pero hindi iyon ang nakita ko. He's imagining kung anong pwedeng mangyari kay Blue. "Wala siyang interes sa lahat ng mayroon kami and for that reason, alam kong mahihirapan siya kapag tinalikuran ko lahat" ngumiti ako sa sinabi niya, he's really a good man.

"Sana may kuya rin akong kagaya mo" biglang sabi ko. Naiinggit kasi ako sa mga may kuya simula bata ako eh.

"I love my sister so much kaya ayaw kong mahirapan siya sa mabigat na responsibilidad na ibibigay sa kanya" madamdaming pahayag niya na mas lalong ikinatuwa ko, ang swerte talaga ng kapatid niya sa kan'ya. Bumaling naman siya sa 'kin at ngumiti. "and I can be your brother naman"

Napakunot muna ako ng noo bago tumawa. "Hindi ba ang sagwa dahil engaged tayo?"

Tumawa na rin siya at naibsan ang lungkot sa mga mata. "Wag mo na lang isipin 'yon, kapatid na rin naman ang turing ko sa 'yo eh. Well... madilim na pala, I have to go" ilang segundo lang ay nakalabas na kami ng sasakyan. Papasok na sana ako nang hilain niya naman ang kamay ko. "Don't tell her what you feel towards her. I swear, lalayuan ka niya" nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kan'ya pero ngumiti lang siya ng malungkot. "Just believe me. Wala sa kan'ya kung naging importante ka kapag nalaman niya 'yan"

"Ate ang tahimik mo" di ko namalayang inuuyog na pala ako ni Clarise. Nabobored na naman siguro dahil nakasimangot ito nang humarap ako sa kan'ya. 'Di ko naman siya masisisi dahil masyado akong naging pre-occupied sa naging pag-uusap namin ni Steve nakaraan and tama nga siya dahil nang mag-usap kami ng kapatid niya at sadya kong ipinarinig na mahal ko ito ay ramdam ko ang panlalamig at pagkabigla nito. Nalulungkot tuloy ako lalo.

"Gusto mo bang um-order?" ibinaling ko na lang ang sarili ko sa kapatid kong nakasimangot pa rin. Umiling lang siya kaya napairap ako. Ayan na naman siya sa pag-iinarte niya, yung tipong guguluhin ka pero wala naman gustong mangyari. Abnormal nga daw sabi ni Laurel nang minsa'y marinig ko silang nag-aasaran sa garden namin. "Matulog ka na lang Clarise, kasi ako ay inaantok pa rin" tumayo ako mula sa pagkakaupo, gusto kong magpahinga dahil hindi naman ako nakatulog kagabi.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now