Chapter-27

14.7K 412 39
                                    

Alexa

Pagkahawak ko ng kamay ni Blue ay bigla naman itong napapitlag at agad binawi ang kamay niya. Nagtataka akong tumingin sa kanya ngunit umiwas lang ito. "Okay ka lang ba?" concern kong sabi rito. Nag-aalala ako dahil nang makita ko siya kanina ay parang wala ito sa sarili at tarantang taranta pa. Yung tipong kapag hinawakan mo siya ay tatalon talaga siya. Hindi ko na nga sana siya papansinin kaya lang nung magkabanggaan kami ay naalala kong siya ang ipinunta ko rito at kailangan talaga naming mag-usap. Tadhana na siguro iyong nagkabanggaan kaming dalawa para gawin iyon.

"Uhm.. ano.. si-cr lang ako.. di-dito ka lang" hindi pa nga ako nakakatango man lang sa kanya ay agad na itong tumakbo papuntang banyo sa dulo ng floor kung nasaan kami. Umiling-iling na lang ako saka siya sinundan.

"Blue?" tawag ko rito. May narinig naman akong tunog na parang natamaang trash can sa loob ng isang cubicle kaya dali-dali akong nagpunta roon. "Blue, okay ka lang?"

"I'm good! I'm good love" parang tarantang sabi nito. Medyo rinig ko rin ang paghingal niya. Hindi kaya sumasakit ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga ngayon? Pansin ko kasi bago siya tumakbo ay nakahawak siya sa dibdib niya.

"Are you really okay?" sabi ko pa, nakadikit rin ang mukha ko sa pinto para kahit papaano ay malaman ko ang nangyayari sa kanya.

Hindi siya sumasagot at ilang saglit lang ay narinig ko ang tunog ng pagflush niya sa bowl. Inilayo ko na rin ang sarili ko sa pinto at lumapit sa sink. Hinihintay siyang lumabas.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" agad na tanong ko sa kanya nang makalabas siya.

"Nawiwiwi na talaga ako eh" alinlangan niyang sabi. Tumango tango naman ako bago humarap sa salamin sa itaas ng lababo para mag-ayos saglit. "Ako na magdadala nito" hindi pa ako nagsasabi ng kung ano ay basta niya na lang kinuha ang mga libro ko na ipinatong ko sa gilid ng sink.

"Let's go" aya ko sa kanya. This time ay hinawakan kong muli ang kanang kamay niya. Pansin kong huminto siya bigla at nagtuloy na naman sa paglalakad. Something's wrong with my love...

After namin maka-order ng pagkain ay agad na naghanap kami ng mauupuan. Pinili namin sa bandang likod ng canteen kung saan ay natatamaan kami ng hangin na nagmumula sa aircon.

"Dapat sa labas na lang tayo kumain eh" sabi niya nang matapos naming kumain. Naramdaman ko rin ang pagpulupot niya ng kamay niya sa beywang ko bago sumandal sa upuan niya.

Ako naman ay kinuha ang dalawang slice ng rainbow cake ko saka sumandig sa balikat niya. "Why? Don't you like it here?" Tanong ko naman sa kanya habang kumukuha sa cake ko gamit ang tinidor. Habang tinitingnan ko ang cake ko ay napangisi ako... hashtag, love wins (#lovewins) ang peg hahaha!

"Hindi naman, ang dami kasing tao" sagot niya naman sa 'kin. Kalagitnaan kasi ng lunch break ngayon kaya medyo maraming tao sa loob.

"Gusto mo paalisin ko?" biro ko bago tumingin sa kanya ng nakakaloko.

"Sige nga, istorbo sa buhay ko eh" sakay niya rin sa biro ko na ikinatawa naming dalawa. Tinikman ko na ang cake ko at nang malasahan ay kumuha ulit ako, ipapatikim ko kay Blue.

"Eat" sabi ko nang maitutok ko sa bibig niya ang tinidor na may nakatusok na cake. Tinanggap niya rin at nginuya, sa isip-isip ko ay ang sexy niyang magchew ng pagkain. Kita ko rin ang paglunok niya na ikinatuyo ng kalooban ko.

"Dapat name niyan lovewins cake" she chuckled and so do I at her joke. Medyo kinikilig pa ako dahil pareho kami ng nasa isip.

"Namiss kita.." lambing ko sa kanya at iniyakap din ang free hand ko paikot sa batok niya. I even kissed her cheek nang mapansin kong walang nakatingin sa 'min, pero kung mayroon man ay wala rin akong pake.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now