Chapter-41

10.4K 393 120
                                    

Alexa

After exchanging ng vows ay nakita ko pa si mama na tuluyang napapunas ng luha, I don't know if she's happy or not. Before the wedding kasi ay hindi kami nakapag-usap ng maayos.

Dahan-dahang iniangat ni Steve ang belo ko, kagaya ko, lungkot ang mga nasa mata niya. He even shed a tear habang binabanggit ang traditional vow na parang walang halaga sa kanya. And me, on the other hand, tunred my head at the girl who stole my heart but left it in pieces. After satisfying myself on the sight of her, humarap ako kay Steve na dala-dala sa isip ang nakainom na mukha niya. Tuluyang natuyo ang kanina ko pang bumuhos na mga luha nang magkatapat kami ng paningin ni Steve. Parang gusto kong tumakbo, umarteng nahimatay, o 'di kaya ay humagulgol nang saglit man lang ay maitigil ang nangyayari ngayon. Pero hindi ko ininda ang lahat ng nararamdaman ko.

Nang maglapit ang mukha namin ni Steve, ay siya namang parang may malamig na bagay ang sumandig sa batok ko.

"Ate, wake up. Breakfast naaaa" Clarise? breakfast... bulong ng isip ko nang bumukas ang mga talukap ko, agad ko rin iyong ipinikit nang maramdaman ang hapdi dahil sa antok. Ayan kakaisip ko sa kasal na 'yan ay napanaginipan ko pa! Pero okay na rin na napanaginipan ko nga para maimmune kahit papa'no, mawala ang sakit at mamanhid sa mismong pagdadaos na mangyayari mamaya.

"Uhmm..." ungot ko sa pagkairita, tama na namang ipatong niya saglit ang bottled water sa batok ko.

"Ate, kailangan mong kumain ngayon then beauty rest ka ulit para ikaw ang pinakamagandang bride later" ayaw ko mang bumangon dahil sa sinabi niya ay wala na akong nagawa nang hilain niya ako paupo. "Tayo na please, magagalit na si daddy sa baba" mga dalawang minuto ang nakalipas bago ako pumuntang banyo ng hotel room ko, pinakatitigan ko ang sarili sa salamin, kinakausap ang sariling magiging okay din ako at maya-maya pa'y nagsisi rin sa mga sinabi. I guess, matatagalan pa para maghilom ang sugat sa puso ko.

Pagkalabas ko ng banyo ay nagpalit rin ako ng damit, mahirap na't mapahiya pa sa pamilya ni Steve dahil sa itsura suot kong butas butas na style ng tank top kanina.

Nang makarating sa table namin ay agad kong napansin kung sino ang kulang, gustuhin ko mang itanong kay Steve na katabi ko ay hindi ko magawa.

Habang kumakain ay nag-uusap ang papa at si tito Ringo, 'di ko man pansinin ngunit ramdam ko naman ang mga titig nito sa 'kin. Para akong bago sa paningin niya at parang kinikilatis niya ako. Nang magkatitigan kami ay iniwas niya ang tingin sa 'kin at nakinig ng tuluyan sa kwento ni papa. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko at napagdesisyunang makipag-usap kay Steve.

"Paunahan tayong tumakbo mamaya" mahinang biro ko rito at nasamid naman ito na ikinatawa ko. "Okay ka lang?" natatawang sabi ko na nakakuha ng atensyon sa palibot ng table namin.

"Ah.. oo, okay na" namumulang pahayag nito at nakitawa na rin sa 'kin. "Wag ka naman magbiro kapag kumakain ako" pinunasan niya ang paligid ng bibig niya gamit ang napkin na nakalagay sa lap niya. Nangingilid rin ang luha niya at nang mapansin iyon ay pinunasan rin niya.
"Naiilang kasi ako sa titig ng papa mo" bulong ko rito at tila napatigil naman ito sa kung anong iniisip.

"Maybe, because.. he knows that his favorite child loves you. I hope makonsensya siya before the wedding and i-cancel 'to right away" loves me ehy? Muntik niya na 'kong gahasain sa parking lot dahil sa kalasingan niya, yun ba yung sinasabi ng kapatid niya ngayon? Kung nasasaktan siya, dapat hindi niya 'ko winalanghiya. I was so helpless before Jessey came, halos umuwi akong walang damit pang-taas dahil sa kanya. And that pushed me para ipagpatuloy ang pagpapakasal kay Steve. But, you think you're going to be happy? Tanong ng isip ko na nakikipagtalo sa mararamdamang bigat ng loob matapos kong panindigan ang desisyon ko.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now