CHAPTER-2

21.1K 541 15
                                    

Alexa

"Anak magtali ka naman ng buhok mo" puna sakin ni mama, pagkababa ko ng kwarto ko.

"Ayaw ko ma, alam mong nakadress ako eh" I said and took a glass of water.

"It's time... let's go na" dad said as he bowed down his head to look at the time on his wrist watch.

7:30pm pa lang naman and bakit parang nangangatog naman ako?

Kapag di ko nagustuhan yung lalaki ay pwede naman akong magback out, duuh! I have my own money, properties on my name and expensive cars. Syempre wais din ako noh, kapag pinilit ako nila dad ay lalayas lang ako at mamumuhay mag-isa.

Kung wala naman akong natutulong sa company ay hindi naman sisikat ang products nila at hindi lalago.

Simple lang naman kasi ang family namin dati, tamang may kotse at malaking bahay until lolo gave the company to dad when I was seven at dun na lumaki ang ulo ni papa, lalo na when I turned 18 at nagtrabaho sa kanila.

Si dad na ang nagdrive ng car dahil off duty yung body guards niya ngayon.

Nilibot ko ng tingin yung bahay, mas malaki siya sa bahay namin naupo lang ako kasama ang parents ko.

Of course looking bored.

Pinakilala nila sakin yung soon to be husband ko daw, well he's handsome, have blue eyes, tall and has a masculine body pero mukhang ayaw naman namin sa isa't isa.

After ilang minutes ay tinuloy ng parents namin ang pag-uusap sa dining table.

Nalaman kong graduate ng civil engineering yung lalaki at nagtatrabaho na under sa company nila, future CEO rin ito kaya mas lalong natuwa si dad.

Nakilala ko rin yung kapatid niya, high school ito at maganda rin, kamukha nung Blue na nakasagupa ko kahapon... but whatever, mabait naman tong batang toh at friendly pa.

Halfway na kami sa pagkain nang may bumukas naman ng pagkalakas-lakas sa pinto.

"Ma anong ulam? Ba't parang ayaw niyo naman akong papasukin. Grabe kayo makalock" dire-diretso siyang pumunta sa kusina saka binuksan ang fridge at uminom sa tumbler na kulay blue.

Hindi niya ata alam na may dinner ang family niya with us.

Halos lahat kami ay nakatingin sa kanya, lalo na ako, she's drunk.

Namumula yung gilid ng asul niyang mata na nakatingin na ngayon saming lahat.

She turned her head on the side, seems like she's checking the date on the calendar.

"Ooh... ngayon pala yun. Congrats bro, akin na si Stella" sabay kindat niya pa sa kuya niya at tumakbo na paitaas ng hagdan.

"I'm sorry about my that, lasing lang siya" paumanhin ni Mrs. Williams, nakalimutan kong Blue Williams pala ang pangalan ng batang yun, ugh! Of all places, why here?

Pagkatapos ng dinner namin ay bumalik na kami sa sala at nakipagkwentuhan naman ulit ang parents ko.

Napapatingin ako sa kabuuan ng bahay, at dahil nga nagagawi ang tingin ko sa taas ay hindi naman nakalampas sakin ang titig niya.

Blank face, emotionless eyes and cross armed lady standing on the railing of the second floor.

Seems like she's watching us, maya maya ay nawala din siya at narinig ko nalang yung footsteps niya na bumababa.

She went to the kitchen and nagpahanda ng makakain, hindi ba siya marunong sumandok ng sarili niyang pagkain?

Nagkakasayahan na yung parents namin lalo na yung dad ko at papa ni Blue, ako dito naka-upo lang. Naghanda rin sila ng wine para samin kaya tumitikim-tikim lang ako.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now