Chapter-26

11.7K 395 50
                                    

Blue

Right after ko maihinto ang sasakyan ay agad kong niyakap si Alexa. I want to protect her dahil sa katangahan ko. Nagpakain ako sa hindi ko maipaliwanag na galit na naramdaman ko kanina habang nasa loob ako ng bar at pinapanood sila ng lalaking hindi ko kilala.

Ilang segundo ay mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko, naghihintay sa pagbangga ng truck sa sasakyang kinapapalooban namin. Naghihintay sa pagtama ng basag na salamin sa mukha at katawan ko. Pero makalipas pa ang ilang segundo ay wala pa rin hanggang sa nakarinig kami ng katok na nagmula yata sa bintana.

Iminulat ko ang mga mata ko at tiningnan si Alexa na mariing nakapikit pa rin ang mga mata. Sa hindi na namang maipaliwanag na dahilan ay pumintig ng mabilis ang puso ko. Kinakabahan yata ako dahil baka galit siya at sampalin na lang ako bigla. Sino ba naman kasing hindi magagalit kung bigla ka na lang hinatak nang walang dahilan.. at ano nga bang idadahilan ko?

"Tok tok tok" umayos ako ng upo at inayos din ang bag ko at tiningnan an nasa labas. Nakagilid ang likod ng truck sa kotseng may sakay sa amin, isang dipa lang siguro ang pagitan. "Ligtas kami..." hindi makapaniwalang sabi ko sa isip ko.

Ilang katok muli ang narinig ko, inatras ko muna ang sasakyan bago lumabas dala ang bag ko. Sumulyap muna ako kay Alexa na bukas na ang mga mata at tulala lang. Hindi ko alam kung babalikan ko pa siya sa loob at pumunta na ako sa lalaking kumakatok sa kotse namin kanina.

"Boss, sorry po. Ano po bang pwede kong gawin para makabawi" wag lang sana manyak itong taong ito kundi bubugbogin ko siya hanggang sa mapagod ako.

"Wala naman po ma'am, gusto ko lang ho sana humingi ng dispensa dahil muntik ko kayong mabangga. Medyo mabilis kasi ang pagmamaneho ko at nakainom ako. Baka pwede pong wag na 'to umabot sa presinto" tiningnan ko muli ang truck na nasa likod ni kuya, siya pala ang driver nito. Nakaslant ang puwesto ng truck sa kalsada at nakataas ang isang parte ng gulong nito sa sidewalk, medyo may tama rin ang harap nito dahil nakadikit ito sa puno, buti na lang at hindi basag ang windsheild nito. Hindi na ako nag-isip pa at kinuha ang tseke at ballpen sa bag ko, naglagay ako ng sa tingin kong amount para pampaayos sa truck ni kuya at para sa personal niyang gastusin.

"Wag na po kayong mag-aalala kuya. Kundi rin naman dahil sa inyo, wala ako rito sa harapan ninyo. Eto po kaunting tulong" alam ko kasing hindi kanya ang truck na dinadrive niya, sa tingin ko rin ay mawawalan na siyang ng trabaho.

"Pitompo't limang libo? napakalaki ho nito" hindi naman makapaniwalang sambit niya at pilit na ibinabalik sa akin ang tseke.

"Sa inyo na ho iyan, panimula ninyo. Tiyak na tatanggalin kayo ng boss niyo sa nangyari eh. Sige po, salamat ulit" binitiwan ko ang kamay nito matapos ko isiksik doon ang tseke na bigay ko. Tumalikod na rin ako at lumampas sa kanya.

"Pagpalain ka ng panginoon hija" rinig ko pang sabi niya sa likod ko kaya napangiti ako. Akala ko sisigawan at sisisihin niya ako sa nangyaring aksidente, iyon pala ay pareho rin kaming may sala.

Nagpara ako ng taxi sa gitna ng traffic na nagawa namin ni manong driver, hindi ko kayang harapin ngayon si Alexa dahil sa kahihiyang nagawa ko. Muntik ko pa siyang ipahamak. Hindi ko alam kung magpapakita pa ako sa kanya sa kagaguhan ko. Kung hindi lang siguro nasaktan ang ego ko nung may mangahas angkinin ang labi niya ay hindi mangyayari ito.

Nang makauwi ako ay agad akong nagtungo sa banyo para magshower. Nang dumausdos sa katawan ko ang tubig ay napayakap na lang ako sa sarili ko at napapikit. At sa pagpikit ko mismo ay bigla kong naalala ang eksena kanina.

"Lei, kilala mo ba 'yong kasama niya?" tanong ko sa katabi ko rito sa counter ng bar. She's one of my bestfriends at dakilang chismosa sa school. Tamang tama na siya ang inaya ko rito matapos kong sundan sila Alexa.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now