Chapter-29

12.5K 407 53
                                    

Blue

"Blue, maligo ka na nga. Pinapapunta ka ng ilang prof mo ngayon sa school mo 'di ba?" napakunot muna ang noo ko bago itigil ang paglalaro sa phone, Iniisip ko kung anong oras ako pinapapunta doon.

"Oo nga ate, Lunes na ngayon. Baka akala mo na naman Linggo" pinaningkitan ko naman ng mata si Kate. Alam niya kasing ang alam ko tuwing Lunes ay Linggo kaya ayan, napagsabihan na naman ako. "Joke lang ate, ligo ka na. Ang asim mo" pang-aasar niya pa.

"Ano ako, ikaw?" ganti ko naman. Ang aga-aga kasi ay bini-bwisit ako.

"Parehas lang kayong maasim, kaya magsiligo na kayo"

"Ma!" sabay naming reklamo ni Kate kay mama. Ganyan 'yan tuwing magkukulitan kami ni Kate eh, mas malala pa siyang mang-asar.

"Ligo na nga ako" umisang irap muna ako sa kapatid ko at hindi na hinintay ang ganti nito saka tumalikod na.

While having a bath, nag-iisip na ako kung anong isusuot ko. Baka makita ko si Stella at mukha na naman akong ewan.. wait, wala naman siguro 'yon sa school.

After kong maligo at magbihis ay dali-dali na akong pumunta ng sasakyan. Naalala kong 10am pala ako pinapapunta at forty minutes na lang ang oras ko para bumyahe at tumakbo sa pataas na pathway ng school papuntang faculty room.

Matapos ang ilang minutong pagtakbo ko papuntang faculty room ay pawis na pawis kong binuksan ang pinto niyon. I greeted the teachers first before going to my prof's desk.

"Good morning ma'am... ano pong balita?" alanganin ang ngiti ko dahil kabado ako sa result ng tinake kong exam sa kanya. May hangover pa kasi ako no'n at hindi talaga ako nakapagfocus.

"Well, kakacheck ko lang ng paper mo at tingin ko ay papasa ka naman" sagot niyang parang hindi ako nakumbinsi. Paano ba naman ay parang bored na bored siyang kausap ako. Tumingin siyang muli sa 'kin at pilit naman akong ngumiti. "Saan nga pala ang excuse letter na hinihingi ko?" masungit niya pang dagdag. Umirap ako pagkatalikod ko at nagsimulang maghanap sa bag. I silently pray na sana ay dala ko iyon kundi lagot talaga at hindi niya idadagdag 'yong score ko sa in-exam ko sa kanya.

Nang makita ko ang gusot na excuse letter ko ay agad ko itong binigay sa kanya. "heto ma'am. May pirma na rin 'yan ni Dean" haha! This time ay hindi na pilit ang ngiti ko dahil natutuwa akong nasa bag ko 'yong papel na 'yon.

"Sa susunod dapat before ito or after na mag-aabsent ka ha? Hindi after make-up exam mo at dapat hindi rin gusot" pinagdiinan niya talaga yung word na gusot kaya napatango-tango na lang ako. "Sige na, pwede ka nang makaalis" pagkasabing-pagkasabi niya no'n ay umalis na ako. May isa pa akong pupuntahang prof ko sa College of Arts and Humanities' faculty room. Nakakainis man dahil magkabilang dulo ang dalawang faculty room ay kailangan ko namang maglakad. Baka mamaya ay tuluyan akong ibagsak ng isang prof ko.

Gaya ng kanina, binati ko muna ang mga prof pagkabukas ko ng pinto bago pumunta sa desk ng naghihintay kong prof. Gusto ko sanang sabihing 'hi baby' rito kaya lang ay baka maissue na naman kami nitong si ma'am. Dati kasi kaming nagkaroon ng affair at napagtsismisan, buti at walang maipakitang ebidensya at natigil ang pagkalat ng tsismis.

Pagkaharap ko sa kanya ay agad ko siyang hinagod ng tingin at nginitian saka umupo sa upuan katabi niya. Sa isip ko ay ang sexy niya talaga. Malaki ang hips, maliit ang beywang at medyo may future. Morena at makinis siya na type na type ko sa physical appearance niya. Plus pa yung way niya magturo na talagang hahangaan mo dahil matututo ka. Kung wala lang si Stella ay baka siya ang babaeng kinababaliwan ko ngayon maliban kay Alexa... hmm what?.. Erase!

"Flirt" she muttered that made me chuckle.

"Hindi ba masyadong mataas ang performance ko para mahila ang written tasks ko?" ngingiti-ngiti kong bulong at sinabayan pa ng pagtaas-baba ng kilay.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now