CHAPTER-3

17.4K 455 16
                                    

Alexa

"Ate penge aah?" Paalam ni Clarise pagkababa niya sa hagdan.

Kumuha naman siya ng tinidor at tinusok na yung pork lumpia na hiling ng batang demonyo.

"Isa lang ha?" sabi ko, isa lang kasi yung sobra ng niluto ko at nasa ref yung iba na hindi pa luto.

"Eeeh ang sarap eh, isa pa" hindi naman siguro magrereklamo yung asul na yun kung may isang bawas yung pagkain niya...

"K"

"Yummy. Isa pa ate" hirit niya pa at konti nalang ay sagad na ako.

"Baby sis magluto ka nalang!"

"Eeh, ayaw ko malelate na ako kapag nagluto pa"

"Subukan mong kumuha, hindi na kita ililibre ng ice cream kahit kailan" pag di pa siya sumunod makakatikim talaga siya sakin, Bigtime.

"Sabi ko nga diba hindi na ako kukuha"

After naming kumain ay umakyat nako sa kwarto ko and get my things.

"Hey bitches, samahan niyo nga ako sa engineering building. Dali!"

"Ano namang gagawin natin dun?" Janice asked, ugh! Ba't ba ang hilig magtanong nito?!

"Can you just stand up?! Di naman kalakihan yang pwet mo kaya wala kang irereklamo" I irritatingly said.

"Let's go na nga, napakahard mo talagang babae ka"

Eyes on us, everyone stops at what they are doing as we walk on the corridor.

"Hi Alexa, napadaan ka? Ako ba hanap mo?" sabi ng bobong dating basketball player, 7 years na syang nag-aaral bilang archi pero wala pa rin, airhead talaga.

"Why so kapal Macly? Ba't di mo nalang bayaran yung mga prof mo para makaalis ka na sa school na'to? Naka-graduate na ko't lahat lahat 3rd year ka pa rin" and after people heard what I said ay nagtawanan naman ang mga ito.

Bigla namang nagwalk out yung lalaki kaya napa-irap lang ako. Pahiya siya eh.

"Bye airhead!" Sigaw ng dalawa kong bff, sus naging crush din naman nila yun dati.

Pagkarating ko sa room ni Blue ay nakita ko naman agad siya, nasa harap siya at nagdedesign sa paligid ng nakasulat na 'Happy Birthday Ma'am Sungit'

Ang ganda rin talaga niya, ang tangos ng ilong, ash blonde wavy hair, yun nga lang ay may attitude.

"Oy devil ano nanaman yan?" Sabi ng kararating lang na babae at sumandal sa pinto.

Bwisit ako dapat yung tatawag kay Blue eh. And oh... devil tawag sa kanya? Well bagay naman.

"Oy, sino papalit? Pagod na'ko magdrawing!" Sabi niya at may tumaas naman na kamay, si Laurel. Isa pa'tong batang demonyo, paasahin niya lang talaga yung kapatid ko makakatikim siya. Well kita ko naman si Clarise na parang tangang nagheheadbang, nakikinig nanaman ata sa 5sos.

"Oy, food ko" sabi ni Blue pagkakita niya sakin.

Lumabas naman siya at sinama pa yung friend niya.

"Oh" sabay bigay ko sa kanya ng paper bag na may lamang tupperware, pero ang animal ay kinuha lang yung tupperware sa loob.

Binuksan niya ito saka tiningnan, binibilang ata at pagkatapos nun ay binalik sakin.

"Bakit?" Takang tingin ko sa kanya.

Nakapout lang siya at ang cute niya.

Cute ka dyan?! Whatever! She's still a demon.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now