Chapter-36

11.5K 402 26
                                    

Alexa

Matapos ang pakikipaglaro ni Blue ng basketball sa mga kaibigan niya ay napagpasiyahan na naming umuwi. Niyayaya pa siya ng inuman ng mga ito pero hindi na ako pumayag. Tama nang may sugat siya ngayon, pero 'yong posibilidad na delikado ang buhay niya kasama ang mga iyon ay hindi ko kaya.

"Love?" tawag pansin niya sa 'kin.

"Ako na magdadrive" pinilit kong pasiyahin ang boses ko dahil ayaw kong malaman niyang naiinis ako, naiinis sa sarili kong pinaglaro ko siya kasama yung Rodrigo na yun kahit alam kong walang magandang pupuntahan ang paglalaro nila.

Matapos kong kunin ang susi niya ay pumasok na kami ng sasakyan. Rinig ko pa ang paghugot niya ng hininga dahil sa sakit ng tuhod niya. Napailing na lang ako at nagmaneho na ng mabilis.

Nang makarating kami sa unit ko ay pabagsak siyang humiga sa sofa, pagod na pagod at hindi na yata kayang magtanggal ng sapatos kaya ako na ang gumawa.

"Five minutes ka lang magpahinga dyan ah?" nang tumango siya ay pumunta naman ako ng kwarto para magbihis.

"Bangon na dyan Blue" tinapik-tapik ko siya dahil mukhang nakatulog na yata. Kailangan niya pang maligo dahil ang dungis niya. Pati jersey niya ay puro alikabok, buti na lang at leather ang sofa ko, kahit dumikit doon ang dust ay pupunasan ko lang.

"Uhmmm" nakabaon ang mukha niya sa unan at parang ayaw pang bumangon.

"Up" muli ko siyang tinapik at ilang saglit lang ay bumangon na siya. "Here's the towel, love" kakamot-kamot pa niyang kinuha ang inabot ko sa kanya bago tumingin sa 'kin.

"Hindi naman ako mabaho ah" reklamo niya and then pout like a kid. Inamoy-amoy niya rin ang sarili bago tumingin sa 'kin.

"Amoy baby ka pa rin naman, but you still have to take a bath kasi ang dungis mo" she look at herself sa mirror at nang makita ang sarili, she mockingly nod her head at me.

Akala ko aalis na siya pero maya-maya ay bigla namang yumakap sa 'kin, 'yong tipong dinidikit sa 'kin ang dumi niya. "Williams!" inis na saway ko sa kanya nang makawala ako. Tawa niya lang ang natanggap ko and later on, she bit her lower lip and look me in the eye. What a sexy move. I told myself habang lumalaban sa titig niya.

"You're dirty na rin, kaya let's take a bath na" kasabay niyon ang paghila niya sa 'kin patayo.

"No" tugon ko at pilit na kumakawala. Hindi naman kasi masyadong dumikit yung dumi niya sa 'kin eh.

"You know me, love. I don't take no as an answer" she put her arms around my waist. Desidido talaga siyang maligo kasama ako at patuloy lang siya sa pagpapacute. So I arched my brow and sighed deeply.

"Monthly period.." kung kanina ay todo ngiti siya at pagtataas-baba ng kilay niya dahil sa pang-uudyok sa 'kin, ngayon naman ay parang nabuhusan siya ng malamig na tubig.

"Now I know the reason why you were so wild yesterday, fertile ka" sa sinabi niya ay bigla ko na lang siyang naitulak, pa'no kasi ay sinundan niya pa iyon ng mapang-asar na tawa.

"Maligo ka na nga" umirap ako bago pumunta ng kusina para magluto. Akala ko hindi na siya mangungulit pero maya-maya lang ay narinig ko ang pagsipol niya.

"Nice butt" komento niya kaya nang makuha ko ang kutsilyo ay saglit na itinutok ko iyon sa kanya mula sa pwesto ko, sinasabing tumigil na siya. "Don't you want to try it kahit may period ka?"

"Yuck!" Agad kong react at natawa naman siya saglit.

"Wala namang problema sa 'kin, love" tumaas baba pa ang kilay niya na ikinaikot ko ng mata.

Loving The Cold Blue (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon