Chapter-16

16K 410 48
                                    

Alexa

"Ey wake up"

Sa sakit ng ulo ko ay hindi ko pinansin yung nanggigising sa 'kin. Mamaya pa naman ang pasok ko kaya matutulog muna ako.

"Alexa gising na" hmm parang boses ni Blue. Ay ano ba yan kay aga-aga nag-iilusyon ako.

"Kapag di ka pa bumangon d'yan pag bilang ko ng tatlo mayayari ka sa 'kin" wika niya pa.

"Clarise mamaya pa pasok ko..." nakapikit kong sabi at mas tinalukbong pa ang kumot sa katawan ko.

"Alexa, isa..." simula niya ng bilang. Di ba pwedeng umalis na lang siya? Hindi man lang marunong um-ate sa 'kin.

Naramdaman kong may humila ng comforter ko hanggang dibdib kaya hinila ko rin ito sa kanya pataas hanggang leeg ko. "dalawa... Alexa pag ito umabot ng tatlo aangkinin ulit kita"

Ha?

Ano daw?

Agad akong napabalikwas ng bangon kasabay ng pag-init ng mukha ko. Feeling ko tuloy uhaw na uhaw ako kaya nang alukin niya ako ng tubig ay kinuha ko agad yun at ininom. Iginala ko pa ang mata ko sa paligid at kahit di pa masyadong malinaw ay alam kong wala ako sa kwarto ko. Nang mas maging clear pa ang paningin ko, kita ko ang mga gamit ko sa sahig. Yung dress, high heels, panty at pati yung bra ko na nasa table niya. Halaaaaaa!?

"Tubig pa?" tanong ng taong kaharap ko ngayon, nakangisi ito na mas lalong ikinainit ng mukha ko. "Walangya ka! Anong ginawa mo sa 'kin!?" nawiwindang na tanong ko. Hindi pa naman kasi malinaw sa 'kin masyado. Naghahalo lahat ng ideya ko ngayon sa utak ko.

"Alexa alangan ikwento ko pa yung ginawa natin kagabi" sabi nito matapos saluhin ang basong binato ko sa kanya. Mariin akong pumikit at yumuko para isipin yung sinasabi niya.

Not here

Undress me

Lovely peaks

Bend over Alexa

I want you

I want you Alexa 

Sunod-sunod akong napalunok ng laway nang maglipana ang mga iyan sa isip ko. I didn't know I was that kinky last night, na ako pa pala ang nag-initiate sa 'ming dalawa.

Narinig kong tumikhim si Blue sa harap ko kaya napatingala ako at kita kong pinupulot niya ang mga gamit ko sa baba. "Wag yan!" pigil ko nang dadamputin niya na yung panty ko pero di siya nagpatinag. Kinuha niya yun at inamoy pa sa harap ko. "Bastos!" wala na ba siyang gagawin kundi bigyan ako ng kahihiyan sa sarili!?

"Sweet" pang-aasar niya pa matapos niyang gawin yun. "Maligo ka na, ihahanda ko na lang yung pamalit mo" utos niya't habang nilalagay ang mga gamit ko sa lalagyanan ng maduduming damit niya.

"Bakit di ka nagpigil?" wala sa loob kong tanong pero may halong paninisi. Eh kasi naman alam niyang sobrang lasing ko tapos hindi man nagpigil kahit kaunti.

Napatigil naman siya at napatayo ng tuwid. "Sa bar pa lang tayo mukhang desidido ka na" sabi niyang di nakatingin sa 'kin.

"So ganun... kapag desidido yung babae gawin yun eh go lang dapat ng go?" Pambabara ko.

"Look I tried so hard but I can't resist it. Isa pa... hinihila mo nga ako lagi, ikaw pa yung naglagay ng kamay ko sa an--"

"Manahimik ka na nga" putol ko rito, ayaw ko na yung maririnig ko sa kanya. Nakakahiya yun.

"I'm sorry. Pero di ko pinagsisisihan yung nangyari" sabi niya bago lumabas ng kwarto. Ilang segundo akong tahimik lang sa loob nang bumukas ulit ang pinto "actually... I love it" isang pilyang ngiti ang nakita ko bago sumara ulit ang pinto.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now