CHAPTER-9

14.7K 425 35
                                    

Alexa

After that night ay mas naging close pa kami ni Blue, natutuwa ako dahil mabait siya sa 'kin pero sa iba naman ay dinaig pa ang katarayan ko. Lalo na kapag may bumabati sa kanya, sinasama niya rin ako sa practice niya minsan at ginagawang alalay, pagdalahin ba naman ako ng body bag niya!

"Lex!" malayo pa lang ay alam ko na kung sino yun, hayst... buti naman at madali na niya akong mahanap.

Catching her breath, she gave me a fliers that has a lot of pictures of food.

"New pizza house down there" she said and point down the road.

"And?"

"Alexa I'm hungry" napakawalanghiya talaga ng asul na 'to!

"Hmp! Bahala ka dyan, you just remember me when you're hungry"

"Cut the crap Lex, dali na oh. Minsan na nga lang ako magpalibre"

"Minsan ka dyan? Halos araw araw nililibre nga kita eh"

"Grabe ka naman eh.. di na kita bati" here we go again in her paawa moves, kailan ko lang napagtantong ang childish niya talaga.

Kinuha ko muna sa kanya yung fliers para tingnan yung halaga ng mga pagkain, siguro kung wala lang akong hinahawakang business ni mama ngayon ay namulubi na ako sa kanya, grabe kaluho sa pagkain.

"Let's go na nga" mura naman pala sa gusto niyang kainan kaya okay na sa 'kin.

"Yes! Alam ko naman kasing gusto mo akong makasama, love na talaga kita" after she put her arm around my shoulder, I don't know why my heart begins to race.

-

"Lex, Hawaiian gusto ko. Tapos iced tea sa drink"

Ako na nga ang manlilibre pati ba naman mago-order?

Habang kumakain kami ay naalala ko naman yung fashion show ng tita ko bukas, I'm invited but I have no one to be with, maybe I could invite Blue since my friends are busy.

"Hmm, Blue mahilig ka ba manuod ng fashion show?"

"Yup, dati" ayos!

"Baka pwede samahan mo ako bukas ng gabi, 8pm yun"

"Basta ipagluto mo ako ng dinner sa condo mo before tayo pumuntang event"

"Pano mo namang nalaman na may condo ako?" taas kilay kong tanong. Wala naman kasi akong nasasabi sa kanya eh, hindi rin ako nagpapahatid dun dahil minsan lang ako magawi sa condo ko kapag stress ako sa buhay ko.

"Sabi ni mama, nagkasalubong daw kayo nakaraan eh"

"Fine."

"Yes! Pork dish Alexa ah? Tapos gusto ko rin ng cake"

"You have so many request!"

"Syempre"

After naming kumain ay naglakad na kami papuntang parking lot ng school para kunin ang sarili naming kotse.

"Bye Lex! Tomorrow aah, call me nalang kung san yung place ng condo mo" nakangiti niyang sabi. Halatang tuwang tuwa dahil may pagkain nanaman.

"Bye na rin, bukas nalang. You should be there at 6pm, got it?"

"Kahit 5 pa" isang ngiti lang ang iginawad ko sa kanya bago pumasok ng kotse ko, which is weird. I don't usually smile at my friends kapag nagpapaalam, baka nadala lang akonsa ngiti niya kaya napangiti rin ako.

------

Ding dong ding dong ding dong!

"Saglit!" Ignorante ba siya sa doorbell at panay ang pindot niya rito? Kainis!

Loving The Cold Blue (GxG)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu