Chapter-35

13.7K 396 20
                                    

Alexa

Imbis na mabored sa practice ni Blue dito sa gym ay kinikilig naman ako. Pa'no, she always winks at me kapag nakakashoot sa three points line bago bumalik sa pila nila and gano'n na naman.

Ilang minuto ay niready ko na ang towel para punasan siya, malapit na kasi ang break niya and I think she should change her clothes na dahil sa pawis.

After hearing na break na nila ay kita ko naman siyang papaakyat sa 'kin dito sa first row ng bleachers, she's smiling and her eyes are sparkling na parang tuwang tuwa dahil may naiisip na hindi ko naman alam kung ano, baka pagtitripan niya na naman ako.

"Hi, Miss" bati niya sa 'kin na ikinataas lang ng kilay ko. "Are you alone or.." lumingon lingon pa siya na parang hindi niya alam na siya ang kasama at hinihintay ko. "May kasama ka?" I suppress myself to smile habang sinusundan siya ng tingin, nakataas pa rin ang isang kilay ko na parang sinasabi "anong trip 'yan Williams?"

"May itatanong sana ako eh" pagtutuloy niya sa trip niya at kumamot pa siya sa ulo, nagpapacute ang loko.

"Yes?" nakangiti kong sabi nang umupo siya sa tabi ko.

"Have you seen my girlfriend?" I didn't answer her and just bit my lower lip instead. I still can't move on by the fact na girlfriend niya na ako. It's like living in a dream. "Uhm let me describe her.. she's the most gorgeous girl in town with a hips can kill-" bahagya akong napatawa sa paunang description niya sa 'kin, my love never fails to give butterflies in my stomach.

"Continue" sabi ko at komportableng naupo.

"And she always walk like she's in a runway, her eyes are very attractive. Alam mo 'yong feeling na kapag tinitingnan ka niya para kang nahihigop? Kaya pasabi naman kapag nakita mo siya. 'Yong kiss ko kasi hinihintay ko eh" sumimangot pa siya sabay tumingin sa 'kin, ako naman ay napaikot ng mata bago ko siya halikan sa pisngi. Ang cheesy niya!

"I love you.." 'di ko napigilang pahayag ng nararamdaman ko. Kahit ilang beses ko 'tong sabihin ay hindi ako magsasawa kasi iyon ang nararamdaman ko.

"Ano miss? Bago pa nga lang tayo nagkita mahal mo na ako? Ang pogi ko talaga" buong pagmamalaki niyang sabi. Naalala ko naman ang pawis niya na ngayon ay tumutulo sa mukha at iba pang parte ng katawan niya.

"Tumigil ka na nga sa kalokohan mo.. pawis na pawis ka" sinimulan ko siyang punasan and the whole time ay nakatingin lang siya sa 'kin. "Magchange ka ng shirt, okay?"

"Hindi na, love" tanggi niya.

"Wag ka ngang makulit, basang basa ka kaya"

"kaunti lang oras namin para sa break tapos papapuntahin mo pa akong cr para magpalit, Eh 'yong pinunta ko roon ay pinanstay ko rito sa 'yo" napailing na ako sa pagkatigas ng ulo niya. Itinaas ko na lang ang shirt niya at nang hindi siya tumanggi ay pinunasan ko na rin ang loob ng katawan niya hanggang likod.

"Kamusta mapagalitan ni coach?" pang-aasar ko. Ngayon ko lang nalaman na nagskiskip pala siya sa practice nila.

"Wag ka nga" pikon niyang sabi habang nilalagyan ko ng towel ang likod niya.

"Ayan kasi ang tagal mo na palang hindi nagpapractice" mahinang kinurot ko siya sa baywang saka yumakap, not minding if we're on the public place.

"Magaling naman ako eh, kita mo nga kanina walang palya three points ko unlike sa iba"

"Yabang" komento ko na nagpasingkit sa mata niya.

"Para sa 'yo nga 'yon eh" sumimangot siya bago ako tinitigan ng malungkot. "Dito ka kasi kaya nasu-shoot ko 'yon, kung wala ka baka tanggal na 'ko sa team"

Loving The Cold Blue (GxG)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin