Chapter-23

13.7K 376 50
                                    

Alexa

Tahimik lang ako habang nakabalot pa rin ang katawan ng kumot. Wala na si Blue sa tabi ko, marahil nasa baba siya at nagluluto. Natuwa tuloy akong isipin iyon ngunit agad ring napawi nang maisip kong hindi naman siya marunong. Pero sabi niya marunong siyang magprito... edi nagluluto nga siguro siya... Nai-imagine ko tuloy everyday gigising akong naihanda na niya lahat tapos bababa ako ng hagdan karga-karga niya yung baby namin, eeeeh!!! Tapos--

Oh shut up you fucking brain. That will never happen. Edi hindi... pero baka pwede-- "Love, I cooked for you" napatigil ako sa pakikipagtalo sa sarili ko at tumingin sa taong papalapit sa 'kin. Hindi ko namalayang nakapasok na pala siya ng kwarto. She's smiling widely at me, dahilan para mahigit ko ang hininga ko. Kahit gago siya minsan ay hindi ko maikakailang she's one of the sweetest person I've ever met. Simple smile, and konting care lang niya at pagiging clingy ay pumipintig na ng mabilis ang puso ko.

"Gising ka na pala" pagpapatigil niya muli sa pag-iisip ko at inayos ang mga kakainin ko. Hindi niya ako hinahayaang gumalaw at siya pa mismo ang humawak ng tinidor para kumuha ng bite size omelet saka isinubo sa 'kin. "How was it? Pwede na ba 'kong mag-asawa?" sunod-sunod niyang tanong at itinaas baba pa ang kilay habang ngumunguya ako. Nangingiti naman ako habang nginunguya yung binigay niya.

"Asawa ka d'yan?" natatawa kong tanong matapos maubos yung bigay niya. I twitched my lips and look at her na parang nag-iisip, pinapakaba siya. Pero aminin ko, masarap yung timpla niya. Siya naman ay nakatingin lang at naghihintay ng sagot kaya 'di ko na pinatagal pa. "Pwede ka nang magpakasal" tayo! Gusto ko sanang idugtong pero hindi naman iyon pwede.

She muttered a long yes bago ako tiningnan saka ngumiti. "Tara pakasal na tayo" sabi niya sa 'kin at pabirong hinila ako. Hala parehas kami ng nasa utak! My ghaad. I calmed myself first at dahan-dahang hinatak ang kamay ko. Itong asul na 'to.. naku talaga!

"Pakasal pinagsasabi mo d'yan?" kunwari'y pagtataray ko at para pagtakpan ang kinikilig kong side. Kese nemen eh.

"Bakit? Para nga tayong mag-asawa ngayon eh. 'Di mo ba narealized?" tugma ang naguguluhang mukha ko sa iniisip ko. Ano bang 'di ko marealized?
Ngumiti naman siya sa 'kin and that added up para mas maguluhan pa ako. "You woke up, ready na lahat. 'Di ba parang mag-asawa 'yon? Kulang na lang may karga akong baby tapos fini-feed ko" natawa siya pagkatapos niyang magsalita. Ako naman ay gulantang pero 'di ko lang pinahalata. Pareho kasi kami ng naiisip. Kainis na Asul 'to kay aga-aga pinapakilig ako ng todo.

"Naiimagine mo 'yang mga ganyan ha.." kunwaring asar ko sa kanya at yumuko para kumuha ng pagkain. Part of me is screaming in delight dahil sa biruan namin ngayong umaga, plus her in front of me, watching kung pa'no ako kumain. Nakangiti pa siya at masuyo akong tinitingnan minsan sa mata.

"It's just.. crossed my mind" nangingiting sabi niya at tumingin sa mga mata ko. Agad namang sumilay muli ang ngiti sa labi ko, kinagat ko pa ang lower lip ko para pigilin ito. Sarap na sarap ba siya sa luto niya at trip na trip niyang pangitiin ako ngayong umaga?

"Hmm.. ewan sa 'yo. Ikaw ba kumain na?" pag-iiba ko nga usapan, 'di ko kasi makaya ang kilig at baka mahalata niya namang tuwang-tuwa ako, malaman niya pa ang lihim ko.

"Yes, kanina" tipid niyang sagot at umayos ng upo. Kanina kasi ay nasa harap ko siya pero ngayon ay lumipat na katabi ko at sumandal sa headboard.

"Hindi mo man lang ako ginising.." nagtatampo kong sabi. Edi sana siya ang napagsilbihan ko ngayon.

"Ang sarap kasi ng tulog mo. Isa pa..." pagtigil niya kaya humarap ako sa kanyang nagtatanong ang mga mata. "I want to serve you, for the rest of my life... biro lang. Alam ko naman kasing napagod ka eh, kaya ayan.." tinuro niya pa gamit ang bibig niya yung tray of foods sa harap ko. Okay na sana eh kaya lang... paasa talaga! do'n sa 'for the rest chuchu eh.. grrr!

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now