CHAPTER-6

16K 481 29
                                    

Alexa

Mabilis lumipas ang araw, minsan nag-uusap kami ng magulang ng lalaking mapapakasalan ko kaya medyo close na kami.

Nandito ako sa bahay nila dahil nagpapaturo ako sa mama niya ng mga baking skills at design sa cake, weekend naman kasi, kilalang chef at magaling gumawa ng pastry kasi si tita kaya nirecommend siya sa 'kin ni mama para hindi na ako mahirapan kapag may practicum kami.

"Alexa pwede bang ikaw na magdala nitong merienda nila Kate do'n sa sala?" kinuha ko naman kay tita yung ilang sample ng cookies at macaroons na gawa namin sa tray at inihatid sa bunso niya.

Napapailing akong bumalik sa kusina dahil parang wala namang ginagawa yung groupmates ni Kate kundi mag x-box imbis na tumulong sa project nila.

Ilang oras din akong nagstay sa bahay nila tita, nakaalis na rin yung mga groupmates ni Kate at niyaya rin akong magdinner ni tita na pinaunlakan ko naman.

Kakasalang lang ni tita ng ulam nang mapansin kong may pumasok ng bahay.

"Ano nanaman 'to?!" bulyaw niya sa kapatid niyang prenteng nakaupo lang sa couch.

"Galing dito yung mga kaibigan mo?" tanong niya pa dito, kunot na ang noo niya at nagtataas na rin ng boses.

"Gumawa lang kami ng project" sagot ni Kate sa naiinis nang si Blue.

"Tapos dito pa sa sala? How many times do I have to tell you that you should bring your friends upstairs, when they're here, hindi dito kita mo pati x-box ko pinakialaman"

"Blue!" Sita ni tita sa demonyo niyang anak.

"What?! Ako nanaman yung mali?"

"Anak, pwede naman kasing pagsabihan mo ng matino yang kapatid mo. Dinadaan mo nanaman sa init ng ulo"

"Yan pagsabihan niyo" sabay turo niya sa kapatid niya at umalis.

Nakatingin lang sa likod ni Blue si Kate at parang maiiyak na.

Binigyan ko nalang rin ng tubig si tita pagkaupo niya sa table.

"Pasensya ka na sa ugali ni Blue, mabait naman yun kapag nasa labas ng bahay pero kapag nandito siya ay nag-iibang tao na. Sabi niya nga impyerno ang tumira dito"

"Eh bakit ho hindi niyo ikuha ng condo or apartment kung ganun pala yung sinabi niya" usisa ko, alam kong parang pinapaalis ko sa sariling pamamahay niya si Blue ang himig ko pero parang sumusobra na kasi siya.

Tumawa muna saglit si tita bago bumaling sa 'kin "she don't know how to cook kaya dito pa rin siya umuuwi" maging ako ay napangiti rin sa tugon niya. Kaya pala nagtitiis si devil.

Maya maya lang ay may malakas na yabag akong naririnig mula taas at nang tumigil ito ay..

"Lumayas ka nga dito maglalaro ako" napakawalang hiya talaga ng batang ito, pati kapatid niya ay pinagmamalupitan.

"Don't you know how to ask me in a nice way?" can't help myself but cheer on Kate in my mind.

Go baby Kate! Go go go!

"Lalayas ka o lalayas ka?"

"Ugh! I hate you devil!"

"Panget ng boyfriend mo!" Pang-aasar nito.

"Wala akong boyfriend!" at isang malakas na pagsara ng pinto nalang ang umalingawngaw sa bahay.

Tatawa tawa siyang lumakad papuntang fridge na kaharap ko lang.

"Happy?" she seems shocked, napatigil kasi siya sa pag-inom ng tubig.

"Ba't dito ka?" walang gana niyang tanong bago kinuha yung nakabox na macaroons sa fridge at binuksan sa harap ko.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now