Chapter-30

12K 435 58
                                    

Blue

Pagkapasok ko ng kwarto ay itinapon ko lang ang bag ko sa gilid ng kama, halos mabasag ang laman niyon dahil sa lakas ng impact at tunog.

Naupo na lang muna ako saglit sa gilid ng kama matapos kong mahubad ang boots ko, chineck ko rin ang phone ko kung nagtext na si Alexa. Ang sabi ko kasi after ng lunch namin ay ihahatid ko na siya pauwi but she refused and said may lakad pa sila ng Jessey-ngit na 'yon. Sabi ko rin magtext siya kapag nakauwi na siya pero mag-aalas syete na at nakauwi na ako dito sa 'min ay wala pa rin siyang text.

Dismayadong ichinarge ko na lang ang phone ko at lumabas ng kwarto para manuod ng TV sa baba. I don't usually watch TV pero dahil nababagot ako at ayaw kong isipin kung ano ng ginagawa nila Alexa ngayon ay manunuod na lang ako, pampalipas oras din.

"Ate anong sabi nung bida?" untag sa 'kin ni Kate sa tabi ko.

"Ewan" sagot ko na lang. Sabi ko manunuod ako pero hindi ko naman magawa. Asan kaya sila ngayon?

"Hindi ka naman nanunuod eh. Tulaley ka dyan" napapikit lang ako ng mariin at inalis lahat ng iniisip ko.

"Pagod lang" partly ay totoo ang sagot ko. Hanggang ngayon kasi ay naiinis ako.

I can't erase the thought na ang kapal ng mukha ng Jessey-ngit na iyon, dahil matapos ko siyang barahin at banggain sa cr ng resto kanina kung saan kami kumain ay may sinabi pa siya. "Magiging, talaga" that phrase retain in my mind until now. Confident na confident siya sa sagot niya.

Bakit ba kasi lapitin ng mga Laurel si Alexa?!

"Ate, ano nga ulit sabi nung bida?" tanong ulit ni Kate na ikinapikit ko sa inis. Pagmulat ko ng mata ay mabilis kong kinuha ang remote at nilakasan ang volume ng TV bago itinapon ang remote sa gilid ko.

"Aray!" pagkatingin ko sa kung sino man iyon ay ang nanunuod na si Steve pala.

"Ay may nagsasalita pa lang kahoy" pang-aasar ko at inikutan siya ng mata, siya naman ay umiling lang sa 'kin at tinuon ang atensyon sa pinapanood nila. Simula nang hindi kami maging okay ay never niyang pinatulan ang pang-aasar ko sa kanya. Ang bait bait niya kaya mas lalo akong naiinis, parang hindi siya naaapektohan.

Gaya ng ginagawa nila ay nakinood na lang rin ako, maya-maya ay nahook na rin ako sa palabas. Bollywood movie pala ito at kaya tanong ng tanong si Kate dahil minsan ay 'di niya masundan yung subtitle.

Hindi pa namin natatapos ang movie nang tawagin na kami ni mama.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay biglang tinawag ni papa ang atensyon ko. "Kamusta ang grades mo, Ellise?" tanong nito sa 'kin.

Naiirita man dahil sa pagtawag nito sa una kong pangalan ay pinili ko na lang na sumagot ng may respeto. "Pasado naman po"

"Hindi ka naman bobo, pero bakit ka nagkakaproblema sa grades mo?" tanong niya pa. Ikaw mag-aral.. gusto kong sabihin kaya lang baka magkasigawan na naman kami. Marami nang gumugulo sa utak ko kaya ayaw ko ng dagdagan niya pa.

"Papa, don't use harsh words" paalala ni mama sa kanya.

"Next sem ay dapat lahat ng grades mo puro uno, ha?"

Tumango na lang ako kay papa dahil goal ko rin naman ang grade na iyon.

Nang matapos kumain ay itinuloy naming magkakapatid ang panunood sa TV, katabi ko si Steve at aksidente pa ako nitong nahampas ng unan nang mamatay yung batang character dahil sa pambubully sa kanya. Feeling close tapos parang bakla pang lumuluha.

"Ay sorry" paghingi nito ng paumanhin at nagpahid pa ng luha.

Umakyat na ako pagkatapos manuod. I checked my phone kung may message na siya pero wala pa rin kaya itinabi ko na lang ang phone ko at dumapa sa kama.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now