Chapter - 51

7.8K 158 41
                                    

Alexa

Komportableng nakahiga lang ako sa balikat ni Blue na ngayo'y mahimbing na natutulog. Matapos ang ilang minuto'y umupo ako mula sa pagkakahiga't binalot ang katawan ko ng kumot, pinagmasdan kong maigi ang mukha niya't hinaplos haplos pa ito, iniisip kung ilang araw na naman bago kami magkita muli. Mula nang lumipat siya ng school ay nabusy na ito sa training sa basketball, ganun din ako sa pag training sa volleyball kaya sobrang conflict ng scheds namin at minsan lang magkita sa isang linggo. Ang madalas pang busy ay siya.

"Hey..." ngumiti ako nang magsalita siya at humawak pa sa kamay ko na nasa pisnge niya. Inaantok man ay ginawaran niya pa rin ng mumunting halik ang aking kamay.

"Are you hungry?" Nakangiti kong tanong at nang tumango siya'y inabot ko ang t-shirt ko na nakasabit sa head board ng kama at isinuot. "Kukuha lang ako ng pagkain" sabi ko bago lumabas ng kwarto pero agad ring bumalik ng maramdaman kong sobrang lamig, nalimutan kong nasa bahay niya pala kami sa Tagaytay, sa hideout namin. Kumuha muna ako ng hoodie niya at lumabas na ulit.

Sa pagbaba ng hagdan ay nanginginig ako kaya naisipan kong magluto ng noodles para sa aming dalawa at nang matapos ay agad din dinala sa kwarto.

"May katext ka na naman" saway ko rito nang maabutan kong may katext na iba at ngingiti-ngiti pa.

"It was Lei" sabi niya before she dropped her phone at nilagyan ng noodles ang bowl ko.

"Hhmm akala ko yung Grace eh" she has a new friend kasi and I can say that they're pretty close.

She then looked at me for a second at napailing. "Wala kang dapat ikaselos sa amin ni Grace" hindi naman ako umimik sa pagbibigay niya ng assurance at patuloy pa rin na kumain until she held my face and smiled at me. "I may thought of other girls as pretty but in my heart, It'll always be you. Ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko" madamdaming pahayag niya and then finally, she earned my smile na.

Hanggang makauwi kami galing sa hideout ay baon ko pa rin ang ngiti ko. Masaya akong magsisimula ng panibagong week ko na hindi iniisip na magpapa-agaw si Blue sa iba, na akin lang ang Williams ko. Dahil kahit minsan lang kami magkita ay pinaparamdam niya pa rin sa 'kin na walang nagbago, at pinapaisip niya sa 'king walang magbabago.

-

"Good morning love" bati niya sa 'kin at ngumiti nang makapasok sa kotse ko. Agad ko namang ibinigay ang sandwich at kape na dala ko para sa kanya. "Oy sakto wala pa akong breakfast" masayang tugon niya at ginawaran pa ako ng halik sa pisngi.

"Para sana after training mo 'yang sandwich eh" I said and twitched my lips. "Pero sige bibili na lang tayo ng pangmeryenda mo kapag may nadaanan"

"Naku hindi na, yung mga food sa canteen namin eh hindi kagaya sa food ng canteen ng school natin dati, mas healthy yung food sa bago kong school" pagtanggi niya at tumango tango na lang ako. Pagkastop namin sa traffic light ay sinipat ko naman siya ng tingin. She gained weight na mas lalong nagpaganda sa kanya, mas fit siya kung titingnan at mas malakas siyang tignan. Hindi na rin siya nagyoyosi dahil sobrang higpit ng coach nila pagdating sa mga bisyo, isama pa yung pagparty ng madalas ay nabawasan na rin. Yung bagong school niya kasi ang defending champion sa basketball last season kaya ang higpit higpit. Pero mabuti na rin iyon dahil ang ganda ng epekto kay Blue, mas naging disiplinado siya sa diet niya, sa oras niya, at sa paglalaro niya kahit na pangsubstitute lang muna siya ngayon sa ilang kompetisyong sinasalihan ng school niya. Nakikita ko rin ang pagbabago ng ugali niya, she became more determined and powerful as an individual, parang lahat kinakaya niya at higit sa lahat ay mas lumawak rin ang pag iintindi niya ng mga bagay bagay. Hindi na siya yung batang pag naiinterview eh kung ano lang ang pumasok sa isip ay yun lang ang sasabihin, dahil ngayon kapansin pansin ang pagmamatured niya dahil sa mga magagandang sagot niya sa interview.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now