Chapter 42: Dare

23 2 0
                                    

I frowned nang marinig ko ang laptop ko na nag-iingay. I've been busy exploring the watch that Scion gave me at midnight. I discovered na pwede itong gamitin na pang-bukas o pang-sara ng tv, lampshade, the door, window-blinds and even the aircon. I'm very much amazed on how it works here in my room and I'm not yet done tapos may mang-iistorbo sa akin.

"Ano?!" Naiirita kong bungad sa kung sino man ang nang-istorbo sa akin. I was quick to change my expression from irritation to happiness nang makita ko kung sino ang nasa screeen ng laptop ko.

Callix put his hand on his chest and act like his hurt. "Ouch. You didn't even miss me? I'm so hurt."

"No! I'm sorry. I was busy looking at this watch." Pinakita ko sa kanya ang relo ko. "Look, it's so cool like you."

Nakita ko namang napakamot siya sa batok niya. I swear I am rolling my eyes in my head. "Hindi naman. Ano ba, Zie! Don't make me blush."

"Uhhh. Ano bang sadya mo? You know I'm busy with this hi-tech stuff," wika ko sa kanya.

"Pinag-papalit mo na talaga ako dyan ah." He pouted. "But anyways, I have a good news for you."

"What is it?" Tanong ko sa kanya pero sa likod niya talaga ako nakatingin cause I can see a wagging tail behind him.

"You remember the two people that you asked me to continue getting infos about?" Nakangiti niyang tanong.

Napa-isip naman ako nang malalim. At maya-maya lang ay naalala ko na kung sino ang tinutukoy niya. "Raphael and the green-eyed man?"

Tumango siya. "Guess what? Nakakuha na ako ng iba pang impormasyon tungkol sa kanila!"

I smiled. "Talaga?" Syempre nagkukunyari lang ako. I decided na wag na lang sabihin kay Callix na hiningian ko si Scion ng favor about sa bagay na 'yan. I just want to see him happy lalo na ngayon na malayo ako sa kanya.

"Yup! Wanna know something about the green-eyed man first? He's---"

I can see his excitement to share what he had been hacked. "No I don't wanna talk about the green-eyed man. Let's focus on Raphael."

Natigil si Callix sa sinabi ko sa kanya. His eyes narrowed and gave me an accusing smile. What? Wala namang masama sa sinabi ko. I just feel like I don't need to know more about the green-eyed man.

"You sure? Ayaw mo ng malaman kung sino siya o kung kilala mo siya?" Paninigurado niya.

Tumango ako. "Yes."

"Bakit? Kilala mo na ba siya?"

I shrugged my shoulders. "No. Gusto ko lang naman malaman kung ano pang tinatago ni Raphael."

I saw him turning around his swivel chair at nang kaharap ko na ulit siya, inusog niya ang laptop na ginagamit niya pang-video call sa akin at nilagay sa tabi nito ang isa pang laptop. "So let's start."

Ako naman ay inihanda ang tenga ko sa pakikinig sa kanya. Ano pa kayang itinatago ni Raphael? I'm so curious.

"I discovered that Raphael and his father was giving a big amount of money to your mom. They had been doing this since the time that she announced your wedding at the ball. Pero simula nung tumakas ka, at the day of your wedding, itinigil na nila ang pagbigay."

After hearing that, I felt the urge to cry. Pero hindi na ako ang dating Anastasia. I'm trying and practicing to be a brave one.

Kaya pala. Kaya pala naisip ni mama na ito ang solusyon sa kakulangan namin sa pondo, binabayaran pala siya nina Raphael. I feel so loved. Grabe. Hindi ako makapaniwala.

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now