Chapter 23: First Date

140 11 0
                                    

Nang marating ko ang pinakahuling step pababa ay bumungad sa akin ang isang napakagarang limousine. Nag-aabang sa akin sa baba si Raphael na nakasuot ng gray long-sleeve shirt and black jeans. I hate to admit it pero kahit simple lang ang suot niya, gwapo pa rin naman siya–pero wait, what? Aish. Hindi ko na alam ang takbo ng utak ko ngayon.

"Hey Anastasia, my queen," unang bati niya sa akin kasabay ng kindat. I glared at him. Kung ibang babae lang sana ang ginanunan niya tiyak na magsisigaw na ito sa kilig, pero ako? HINDI. Nakakalimutan niyo na ba na ayaw ko sa mga lalaking nangingindat?

"Queen your face! Tsaka wag mo nang ulitin iyon baka tusukin ko yang mata mo, hindi ka na makakindat pa sa ibang babae," sabi ko sa kanya.

Nagtaka ako nang kumunot ang noo niya. "What?"

Huminga ako ng malalim at inulit ang sinabi ko. Bingi ba siya? Aish. "Sabi ko tutusukin ko yang mata mo kapag ginawa mo pa iyon at hindi ka na makakindat pa sa ibang baba—"

"Wala naman akong ibang kinikindatan kung hindi ikaw," pagpuputol niya sa sinasabi ko.

I don't know but why does I feel like my world froze for a moment? I mean I froze for a moment pala. And I can feel my heart raced.

Sinamaan ko siya ng tingin para hindi niya mahalata ang nangyari sa akin. I can't understand myself right now.

At dahil do'n, dumiretso na ako sa nakabukas na pinto ng stretch limousine at nilagpasan ko na lang si Raphael.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay dumiretso ako sa red velvet na sofa na nakalagay sa loob.

Actually hindi lang isa ang mahabang red velvet na sofa, dalawa ito na magkatapat at pinagigitnaan ng center table na may nakapatong na vase. May isa pang single-sofa na nasa pinakadulo ng dalawa.

Napatingin ako sa taas ngunit agad akong nasilaw sa hanay ng maliliit na puting ilaw na nagbibigay ng liwanag sa loob ng limousine. Napunta ang tingin ko sa malaking flat-screen tv na nasa hindi kalayuan pagkatapos ay sa mini-fridge na malapit lang dito.

Ngayon ko lang napansin na carpeted pala ang buong floor ng limousine, papunta sa pinakalikod. May pinto dito at sa tingin ko ay isang kwarto ang nasa likod nun. Bakit pa ba ako magtataka? Eh isang prinsepe nga pala ang kasama ko ngayon.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Raphael na napansin kong kanina pa nakatingin sa akin, siguro ay pinagmamasdan ako.

"We're going to my kingdom," sagot niya habang nakangiti.

Right, we're going to his kingdom–wait, what? Nanlaki ang mga mata ko nang magsink-in sa utak ko ang huli niyang sinabi. "We're going to Tyran?!" Gulat kong gagad sa kanya.

Tumango siya. "Yep, ipapasyal kita sa buong lungsod. You know, since ito ang first date natin, dapat maipasyal na kita sa Tyran since napasyal mo na rin naman ako sa buong Cepheus dati," he said.

Gusto kong masuka dahil sa isa niyang sinabi. Okay lang naman sa akin na pumunta sa Tyran dahil hindi pa ako nakakapunta dun since mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa ibang lungsod kung hindi naman sila taga-rito. Pero yung first date, ewwww. Kadiri. Bakit niya binanggit ang word na yun?

Isinandal ko na lang ang likod ko sa sandalan ng upuan at pumikit. Para na rin hindi na ako gambalain pa ni Raphael, gusto kong manahimik muna.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakapikit bago ko muli narinig ang boses ni Raphael. At halos mabilaukan pa ako sa mga sinabi niya.

"You're so beautiful today," diretsong sabi niya. Wala man lang warm-up ha, napaka-straight forward. Tsaka ano raw. Beautiful?

Natawa naman ako. "Hindi nga ako nag-ayos tapos maganda pa rin," bulong ko sa sarili ko. Di'ba sinabi ko naman na simple lang ang susuotin ko at hindi mag-aayos na masyado dahil ayokong isipin ni Raphael na nagpapaganda ako sa kanya, but he's here, saying unexpected things like that.

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now