Chapter 34: Consequence

46 8 0
                                    

Vania texted us yesterday. She invited us to go out dahil daw birthday niya ngayon. It's her birthday kaya who am I to say no? I'm praying na hindi siya magtaray dahil hindi ko talaga kailangan 'yon ngayon.

Simula no'ng mag-away kami ni Luk, hindi na niya ako pinapansin. Sa tingin ko ay galit siya sa akin. I understand that dahil alam ko namang masasakit talaga ang nabitawan kong mga salita sa kanya. Pero I don't think that I owe him an apology dahil sinabi ko iyon para tantanan niya na ako at hindi na rin siya magpumilit na i-involve ang sarili niya sa mga pinaggagawa ko.

Kaya sana lang, hindi ako tarayan ni Vania dahil sigurado akong siya lang ang makaka-usap ko dun, kami lang namang tatlo ang nando'n.

Hindi pa rin ako pwedeng makita ng mga tao na pagala-gala sa labas kaya nag-disguise na naman ako. I reckon that this room is intended for me dahil kumpleto talaga ang mga gamit ko, kahit na pang-disguise pa 'yan.

Nahalungkat ko ang pink long-sleeve kaya yun na lang ang isinuot ko. I paired it with denim skirt and white rubber shoes.

Nang marinig ko ang pag-start ng makina ng kotse ay dinampot ko agad ang sling bag na inihanda ko sa ibabaw ng vanity table and for the last time, pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa full-length mirror. For sure wala nang makakakilala sa akin nito.

Dali-dali akong tumakbo pababa dahil kapag hindi pa ako nagmadali ay sigurado akong hindi magdadalawang isip si Luk na iwanan ako.

Nang makalabas ako ay tinakbo ko ang pagitan ng pinto at ng kotse kung saan nakasakay si Lucind. Dali-dali kong binuksan ang pinto ng passenger's seat at umupo dito. Sakto namang pagkasarado ko ng pinto ay pinaandar na ni Luk ang sasakyan.

Ilang metro na ang natatakbo ng sasakyan na minamaneho ni Luk pero wala pa rin sa aming nagsasalita. I stayed silent dahil kahit na kausapin ko si Luk, alam kong hindi rin naman siya sasagot. And I think it's a comfortable silence naman. At least I have time to look at the sceneries that we're going to pass.

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. I received a text from Vania. Nagtatanong siya kung nasaan na kami. Sinabi kong papunta na at ibinalik sa loob ng bag ko ang phone ko.

We stopped at the parking lot of a mall in Central City. Dito ang sinabi niyang lugar ng kitaan namin.

Pumunta kami sa isang cafe sa second floor at doon namin natagpuan si Vania na naka-upo sa isa sa mga stool no'n.

“Happy Birthday,” bungad ko sa kanya. I took another stool and sit on it.

She sweetly smiled at me, yung kasingtamis ng candy, na naging dahilan ng pagkabigla ko.

“Thank you,” matamis rin na sagot niya. Mas lalo akong napanganga.

“You okay? Are you...really Vania?” I asked hesitatedly. Ito na ba ang sagot sa dasal ko? Hindi ba siya magtataray ngayon? Omaygash.

She chuckled. “Of course.”

Hindi ko mapigilan na mapangiti. Natupad ang dasal ko!

“Who are you anyway?” Dagdag pa niya which made me frown.

“Vania!”

“Yah, yah. I know you're Lux, in disguise nga lang,” pagpapakalma niya sa akin.

I rolled my eyes. “Buti ‘di ka mataray ngayon.”

“It's my birthday kaya sabi ko hindi ako magtataray,” sabi niya sabay pulupot ng braso niya kay Luk. “Buti nakarating kayo,” naglalambing niyang sabi rito.

Pero hindi pa rin nawawala ang pagiging maland—I mean clingy niya kay Luk.

I was about to look away but I heard Luk answered. Kinausap niya si Vania. Himala! Akala ko ay hindi siya sasagot pero...

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now