Chapter 1: Solution

1.4K 47 15
                                    

"Zie?" tawag ng tao sa labas ng kwarto kasabay ng katok.

"Come in," utos ko. I know that it's my bestfriend, Callix. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Zie.

Bumukas ang pinto at pumasok si Callix ng may ngiti sa labi.

"Ready?" tanong niya sa akin.

Tumango lang ako bilang tugon. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at mas lumawak pa ang ngiti nito.

"You look so beautiful in your dress."

"Thank you pero tigilan mo nga ako," wika ko. Nambobola na naman eh.

Napadako naman ang tingin niya sa buhok ko.

"I love your hair like that."

Tsk. Hindi pa rin niya itinigil ang pagpuri niya sa akin at sinundan pa ito.

"The way it falls on the side of your neck..."

Hindi naman nakalugay ang buhok ko sa gilid ng leeg ko ah. Teka lang parang...

"Down your shoulders and back. We are s—."

"Teka nga lang," pagpapatigil ko sa kanya. "Kanta yan diba?"

Natawa naman siya bigla. Naningkit ang mga mata ko. Sabi na nga ba eh!

"Akala ko hindi mo na naaalala. Ano ba kasi yang iniisip mo ang lalim eh."

"Akala ko pa naman totoo," sabi ko sa kanya.

"Totoo naman talaga iyon!" mabilis niyang sabi.

"Tsk."

"Bakit parang hindi ka masaya? Ngumiti ka naman kahit konti."

Huminga ako ng malalim.

"I have a bad feeling about this ball."

"Huh? Marami naman tayong guards. Tsaka andito naman ang butler mo sa tabi mo. Hindi kita pababayaan," wika ni Callix sabay kindat sa akin.

I gave him an irritated look.

"Tigilan mo yang pangingindat mo sa akin. Baka tusukin ko yang mata mo."

Natawa naman ito.

"Tanggalin mo na sa isip mo yang bad feeling na yan. I-enjoy mo na lang ang ball."

Alam kong pinapagaan lang ni Callix ang loob ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung ano ang pwedeng masamang mangyari mamaya.

After a few minutes, we heard a knock on the door and a maid saying, "Malapit na po mag-start ang ball."

Nagkatinginan kami ni Callix.

"Ano, let's go?" tanong sa akin ni Callix.

I sighed. "Let's go."

Dumiretso kami sa hall ng palasyo. Maraming tao doon. Pinaghandaan talaga ng mga bisita ang ball ngayon. Elegante ang gown na suot ng mga babae. At pati na rin ang suit na suot ng mga lalaki. Nagbibigay ng liwanag sa buong hall ang isang malaking chandelier. Nasa gilid naman ang orchestra na siyang gumagawa ng background music at busy ang waiters and maids sa pag-aasikaso at pagsiserve ng pagkain sa mga bisita. This ball is so elegant. What is this ball for again? I don't know.

Hindi naman sinabi sa akin ni mama at lola kung para saan 'to. Basta ang sinabi nila ay maghanda para sa ball ngayong gabi. Wala naman din akong naaalalang special occasion.

As I keep walking to the seat that is intended for me in front, some visitors bow down or greet me. I smiled as a response but didn't say a word.

Kasunod ko lamang na naglalakad si Callix. Nang makarating ako sa harapan ay pumunta si Callix sa gilid malapit sa akin at pumunta naman ako sa upuan ko. Katabi ko si Zandra na sobrang lawak ng ngiti. Halos lahat ng bisita, sa amin nakatingin. Of course, the ruler of the city is infront, my mother. Apat ang upuan na nandito. Actually tatlo lang pala, throne pala ang isa.

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now