Chapter 10: Secrets over Secrets

317 21 0
                                    

A week passed since the day that Zandra accidentally heard me talking to 'boss'. Aksidente naman talaga iyon dahil bigla na lang tumawag si boss. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko naisip na umalis agad sa harap niya bago sagutin ang tawag ng boss ko. Naisip ko na lang yun nung narinig na niya.

At hanggang ngayon ay tinatanong pa rin niya ako tungkol dun. Syempre hindi ko siya sinasagot dahil mas magandang yun lang muna ang alam niya, 'na may boss ako at kinausap niya ako'.

The less she knows, the better, safer. Kung pwede nga lang na least eh. I don't want her to get involve with my stuffs. Hindi naman masama ang ginagawa namin, pero hindi rin naman ligtas. Hindi ko hahayaang may mangyari sa kanyang masama o malagay siya sa kapahamakan. I will do everything to protect her and keep her away from danger.

Pero makulit pa rin siya at lagi niya akong iniistorbo tungkol doon. Ayoko din naman siyang sagutin dahil kahit ilang araw na ang lumipas, hindi na ako maka-isip ng palusot sa kanya. Siguro nakokonsensya na rin ako sa pagsisinungaling sa kanya kaya ayoko nang madagdagan pa.

"Ano na naman?" tanong ko kay Zandra dahil nandito na naman siya sa kwarto ko at nang-iistorbo. Akala ko ay mangungulit na naman siya pero nag-pout lang siya.

"Eto namang si ate. Bawal na bang bumisita?"

"Tsk. Kung mangungulit ka lang, bawal."

Inirapan niya ako. Wow ha, siya pa yung may ganang mang-irap eh siya na nga yung makulit. Bumalik ako sa pagkakahiga ko sa kama at tumingin sa kisame.

Naramdaman ko naman na tumabi siya sa akin. Maya-maya ay katapat na niya yung mukha ko kaya naman imbis na kisame ang tinitingnan ko, yung mukha na niya.

Mabilis akong umupo at tiningnan siya ng masama.

"Ano na naman ba?!" tanong ko sa kanya. Kanina pa ako nakukulitan sa kanya. Hindi na lang niya kasi sabihin kung anong pakay niya. Ang dami pang pasikot-sikot.

Nag-pout na naman siya. Medyo naninibago lang ako dahil lagi na lang siyang nagpa-pout ngayong linggo. Medyo kinakabahan na rin nga ako dahil baka may sapi siya. Pero nevermind dahil ayokong may sumapi sa katawan niya, baka magkatotoo pa ang mga iniisip ko.

"Ang taray mo naman ate. Akala ko ba ayaw mo sa matataray?" malungkot na sabi niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim. Oo nga pala, buti na lang pinaalala niya na ayaw ko sa matataray. Pero napapansin ko na parang baliktad yung ugali namin ni Zandra. Siya yung mabait at ako yung mataray...hindi kaya nagkapalitan kami ng sou--nevermind ayoko talagang isipin yun.

Tiningnan ko muna siya bago nagsalita. "Ano ba kasing kailangan mo? Ang aga-aga kasi, nasa kwarto na agad kita." Wala ka bang sariling kwarto? Gusto ko sanang idugtong yun kaso baka sabihin na naman niya na mataray ako kaya wag na lang.

"Pinapasabi lang naman sayo ni kuya Callix na maghanda ka daw. May pupuntahan daw kayo."

"Huh? Saan naman yun? At bakit hindi na lang siya ang magsabi sa akin?"

"Marami kasi siyang ginagawa kaya ako na lang muna ang messenger niyo sa ngayon. At tsaka hindi ko alam kung saan kayo pupunta, pero magsabi ka sa akin kapag nakapag-ayos ka na para maihatid kita kung nasaan si kuya Callix."

Medyo nakakahalata na ako sa kanilang dalawa ah. Nung una sa ball, ngayon naman ito, parang lagi silang magkakontsaba. Hmm, ano kayang nangyayari?

"Diba butler ko siya?" tanong ko kay Zandra na sinagot naman niya ng tango.

"Bakit ikaw ang kinakausap niya, imbis na ako?"

Natawa naman sa akin si Zandra. Mukha ba akong nagpapatawa?

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now