Chapter 18: Permission Granted

164 15 4
                                    

My guard is always up, these past few days, lalong lalo na kapag kasama ko si Zandra. Baka kasi may mangyari na namang masama, hindi na'ko makakapayag dun.

Bumuga ako ng marahas na hininga ng biglang tumunog ang cellphone na binigay sa akin ni boss. Ito na kasi ang ginagamit ko kapag tungkol sa AV ang pinag-uusapan. At alam ko na galing na naman iyon kay boss.

I open the messaging app and read the text.

Nagulat ako nang isang picture ang lumabas. Isang clock.

At isa lang ang pwedeng ibig sabihin no'n. Isang paalala na tumatakbo ang oras. Tama, malapit na ang kasal, pero wala pa rin akong nakukuhang impormasyon tungkol kay Raphael.

Ano bang impormasyon ang gustong malaman ni boss? Eh parang halos lahat naman ata ng impormasyon tungkol kay Raphael na alam ko ay alam rin niya.

Paano ko ba 'to gagawin? Kailangan ba pumunta ako sa Tyran at manmanan si Raphael? Ano naman ang makukuha ko dun? Eh parang parehas naman kami ng ginagawa dahil prinsepe siya at ako ay prinsesa. Ano pa bang kailangan kong malaman tungkol sa kanya?

Kung titingnan ko naman ang database—

Nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok na ideya sa utak ko. Dahil bawal ko namang makita ang database, pwede kong ipa-hack iyon. At para mahack yun, kailangan ko si Callix!

Si Callix. Tama, siya ang pwedeng gumawa no'n para sa akin. Sa pamamagitan ng database, mas makikilala ko pa siya. At pwede kong ipasa ang impormasyon kay boss.

Bahala na kung may makakaalam sa misyon ko. Si Callix lang naman iyon. Pwede niyang malaman yun. Kailangan na kailangan ko talaga siya para matapos na ang misyon ko. I'm sure may dahilan naman si boss kung bakit niya ibinigay sa akin na misyon si Raphael.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto pagkatapos ay lumipat sa kabila. Sa kwarto ni Zandra.

I knock three times before the door opened.

"Goodmorning, my beautiful sister!" I greeted. Nakita kong humikab pa siya bago sumagot.

"Morning too, my ugly ate." Walang ganang pang-aasar niya pero sa huli ay ngumisi rin siya.

I rolled my eyes.

"What are you doing here?" She asked.

"Don't you have manners? Don't you wanna invite me inside?" tanong ko pagkatapos ay pinagkrus ang braso ko sa dibdib.

Umiling siya. "Nah. What do you need?"

I rolled my eyes at pagkatapos ay sinabi ko ang dahilan kung bakit ako nandito.

After that, I saw the glint of excitement in her eyes.

"Pero pinayagan ba tayo ni mama?" tanong niya habang naka-pout.

"Yes. Kinausap ko na rin siya. At for the first time, pumayag siya!" Excited na tugon ko sa kanya. "Basta kasama raw natin si Callix. And she will also sent some guards who will watch us from afar. Pero malaya raw tayo sa mga gagawin natin."

Nagtataka siyang napatingin sa akin. "What did you tell her?"

I shrugged my shoulders. "Nagpaalam lang ako, tapos nagulat ako nang bigla siyang pumayag. Hindi ko nga alam kung ano ang sumagi sa utak ni mama eh."

She clapped her hands and afterwards, she slammed the door infront of me. Muntik na rin akong mapatalon sa gulat. Walang hiyang bata yan!

"Magbibihis na ako. Ikaw rin!" Sigaw naman niya sa loob ng kwarto. I rolled my eyes before taking the path towards Callix's room.

The Princess In Disguise (Under Editing)Where stories live. Discover now